Epilogue

1.3K 37 0
                                    

"Bridget's POV"

"Hindi ko pa rin matanggap." Umiiyak na saad ni Anwyll. Niyakap ko na lang siya. Habang si Akiro ay kinarga ang anak nila na si Angelo.

"Balang araw, maghihilom din ang lahat nang sugat natin. Magpakatatag ka. Hindi siya matutuwa kapag pinabayaan mo ang sarili mo." Akiro.

"Hindi ko na alam. Hindi ko na alam." Mas lalo siyang napahagulgol. Naaawa na ako sa kanya.

"Shhhhh. Kailangan mong tanggapin, kailangan mong magpakatatag." Saad ko habang pinapakalma siya.

"Salamat sa inyo. Kahit marami kaming kasalanang nagawa, heto at nandito kayo para damayan ako. Kami." Nginitian lang namin siya ni Akiro.

Alam kong masakit para sa kanya to. Masakit din naman para sakin dahil pamilya ko siya.

Pero kailangan naming magpatuloy sa buhay kahit wala na siya.

***

"Kahit marami kang kasalanang nagawa, napatawad na kita. Hindi ka man humingi ng tawad sa mga kasalanan mo, pinatawad pa rin kita. Because I know, everyone deserves a second chances." Nakatingin lang ako sa lapida niya habang pinupunasan ang takas kong luha.

"Everything happens for a reason. Maybe it was your time already. Wag kang mag alala, hindi ko sila pababayaan. Aalagaan ko sila tulad ng pag aalaga mo sa kanila." Saad ko saka tumalikod.

"Goodbye, Auntie Astera. Rest in Peace." The last word I said, before I left the cementery.

***

After Five months.

                              "Akiro's POV"

"Kinakabahan ako." Namumutlang usal ko saka kumuha ng salamin at pinagmasdan ang sarili ko.

Tumawa ang mga loko. "Halata nga." Anwyll.

"Wag kang mag alala, sisiputin ka nun. May usapan kayo diba?." Jex.

Tumango ako.

"Wag kang mag alala, dadating ang kapatid ko. Sisiputin ka nun. Dahil ngayon na magaganap ang usapan ninyo. Ang matagal ninyo nang plano." Kuya Richard. Nginitian ko lang siya.

Nakahinga ako nang maluwag, lalo pa't sa kanya na mismo nanggaling iyon. Matagal na din naman akong nabasbasan ng mga kapatid niya. Kahit ama nga niya. Nakakalungkot lang dahil hindi niya masasaksihan ang mahalagang araw na ito para sa kanyang prinsesa.

"Nandiyan na ang bride."

Napangiti ako matapos marinig iyon.

"Suit yourself.  Ngumiti si kuya Richard kaya nginitian ko din siya.

Saka ako napalingon sa pintuan ng simbahan.

Unang pumasok ang AMU na pinangunahan nina Rhiana at Michael. Kumaway kaway pa sina Art at Miles na parang kumakandidato. Habang sina Capella at Sirus ay parehong nakangiti.

Kahit nawalan ng dalawang miyembro ang AMU, hindi naging dahilan yun para masira ang grupo. Mas naging matatag pa nga sila. Dahil matibay at epektibong leader ang pinalit nila. Tinignan ko si Michael at nginitian niya ako. Ganun din ang iba kaya agad kong sinuklian ang mga ngiti nila.

Sunod na pumasok ay ang Five Teens Scapei na pinangunahan naman nina Liselle at Edcelle. Nakangiti namang nakasunod sa kanila sina Lucky Desteen, Star at Migs. Nang magtama ang mga paningin namin ay tinanguan nila ako dahilan para ngitian ko sila. Saka sila dumeritsu sa mga pwesto nila. Magkahiwalay nang upuan ang mga lalaki at babae. Sa kaliwa ang babae at sa kanan naman ang mga lalaki.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now