Chapter 21: Group of Warriors

637 22 2
                                    

"Star's POV"

Hey! First time here! I'm Star Miguel Loisel. 19 years of age. Pogi! Yun na lang muna.

Nandito na kami ngayon sa loob ng isang malaking room dito sa Archade's Valley. Mansyon nina Empress. Parang isang hotel dahil dito na kami tumutuloy simula nung magsimula kaming manilbihan kay Empress.

Baka isipin niyo yayo o yaya ah? Hindi ganun yun! Lahat kami dito ay mga warriors. Ang paninilbihan na tinutukoy ko ay bilang isang warrior. Nakikipaglaban kami pero hindi kabilang sa isang mafia organization.

We're bound to protect our Empress. Our Queen!

Kasalukuyan akong nasa room ngayon kasama ang mga grupo ko at pati na rin pala si Sabrina.

Naguluhan nga ako sa sinabi ni Empress kanina e. Bakit naman niya nasabi na magugulat ako kapag nalaman ko kung sino si Sabrina? May alam si Empress. Malamang! Siya pa ba?

Malalaman ko rin naman yan!

"Uy! Kumpareng Ian." - bati ko sa kakapasok lang.

Tinignan lang ako nito at dumeritsu ng upo. Agad namang pumasok ang mga kasama niya.

Nandito na kaming lahat. Si Qu----este si Empress na lang ang hinihintay. Hindi naman nagtagal at pumasok na nga siya at may mga kasunod siya.

"Ohmyyyyyy!" - Lucky at agad na lumapit sa tatlong babaeng bagong dating.

Nagyakapan pa muna sila at tanging 'Ehemm' ni Empress ang nagpatigil sa kanila.

Pfft. Haha.

"Since, you are all complete here. We'll start the discussion but before that, introduce all yourselves first."

'Takte talaga tong si Empress!'

Ano yun? Nasa klase lang?

Pero no choice e! Naunang tumayo si Edcelle at nagpakilala.

"Orion Edcelle Bernick. Orion's the codename." - walang emosyong pagpapakilala ng leader namin. Sinundan naman ito ng kanyang asawa.

"Antares Liselle Mavia. Antares was my codename. By the way, me and Orion are married already. Just so you know." - sabay tingin kay Sabrina. Pfft! Lahat na lang!

Grabe talaga tong si Liselle. Palaging nang aaway. Una si Lisa. Ngayon naman si Sabrina, my loves. Pfft!

"Ehemm." - mukhang hindi din nagustuhan ni Empress yun.

"Before we continue, I want you all to know that I don't like FIGHTING here. Sabrina, you should start getting along with them because starting next week, you will have your training with them. And you Liselle.." - hinarap ni Empress si Liselle.

Kapag nandito lang kami sa Archades Valley at wala namang ginagawang may kinalaman sa mafia o kahit ano man, pangalan lang tinatawag samin ni Empress. Kapag meron naman, Star, Antares, Nova, Lucky at Orion ang tawag niya samin. Ganun din naman sa iba. May mga code name kami.

"You should start making friends with the girls and not a fight." - dagdag niya. Yumuko lang naman si Liselle. Takot lang niya kay Empress no! Kami pala!

"Proceed."

Sunod na nagpakilala si Lucky.

"Lucky Desteen Austria. Lucky's the codename."

Kung nandito lang si Axel, baka nagniningning na naman ang mga mata nun. Malakas tama nun kay Desteen e.

"Nova Migs Sanrill. Nova's my codename." - wala ding emosyong pagpapakilala ni Migs.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now