Chapter 27: Prime Princess

618 28 2
                                    

"Akiro's POV"

"Saan ka ba galing?." - tanong ni Rafael pagkabalik ko sa classroom. Last subject na namin ngayon.

"Hills Garden." - maikling sagot ko.

"Edi nagkita kayo ni Viana?." - singit ni Axel.

"Huh?." - napakunot noo ako matapos nang sunod sunod nilang pagtatanong saka wala sa sariling napalingon sa katabing upuan ko na ngayon ay blangko.

"Sinundan ka kaya niya. Ilang minuto mula nung lumabas ka ay sumunod siya. Baka daw kasi magbigti ka." - Lisa. Kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

"Sinabi niya sa'yo?." - takang tanong ko.

"Tungek! Sinulat sa papel, syempre."

Siraulong Axel to ah!

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik. Hanggang mag uwian na, hindi ko na talaga siya nakita.

Nagkacutting class din pala ang babaeng yun?

Akala ko ba, kapag nerd masyadong hardworking? Tsk!

Dahil uwian na ay nagpasya na kaming magsipag uwi. Hanggang makarating sa bahay ay si Viana na ang laman ng isip ko.

Bakit niya ako sinundan? Hays!

Ba't nga ba big deal sakin yun? E, ano kung sumunod siya?

Nag ayos na ako at nagpahinga.

Hindi ko na ininda ang gutom at agad akong nakatulog.

Kinabukasan........

                          "Viana's POV"

Ang tagal naman niya. May hinihintay kasi ako dito dahil ang usapan namin ay magkikita kami ngayon.

Gusto ninyo bang malaman kung bakit hindi na ako nakabalik sa klase kahapon?

******* FLASHBACK *******

Pabalik na dapat ako sa klase nang biglang may humila sakin at dinala ako sa tago at madilim na lugar.

Nakita ko pang pasulyap sulyap siya na parang may pinagtataguan.

"Anong ginagawa mo dito?." - tanong ko nang makilala ko siya.

"Sasabihin ko sa'yo lahat nang nalalaman ko bukas, alas tres ng hapon. Isama mo ang pinsan mo. Itetext ko sa"yo ang lugar."

Akma na siyang aalis nang pigilan ko siya.

"Tungkol saan ba yan?."

"Sa totoong dahilan ng pagkamatay at sa totoong pumatay sa mga magulang mo." - nagtiim ang bagang ko nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ko. Agad ko siyang tinulak sa pader at napahiyaw siya sa impact nito.

"Anong alam mo? Sabihin mo na ngayon bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko." - hinigpitan ko pa lalo ang paghawak sa kamay niya.

"B-bukas ko s-sasabihin. Hindi ligtas d-dito." - binitawan ko na siya nang nahirapan na siyang huminga.

"Bukas." - matalim ang tinging ipinukol ko bago siya iwanan at dumeritsu na nang uwi.

Nawalan na ako ng ganang umattend ng huling klase.

******* END OF FLASHBACK *******

Kung nagtataka kayo kung bakit ako nagsasalita? Yun ay dahil, hindi naman talaga ako pipi at bingi. I just need to pretend to hide my real identity. Isa pa, hindi pa ito ang tamang oras para makilala nila ako.

Ilang saglit lang ay dumating na ang pinsan ko. SIYA na lang ang tanging hinihintay namin.

Nang bigla akong makatanggap ng text at wala sa sariling napatayo. Sumunod naman agad sakin ang pinsan ko.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now