Chapter 23: Result and Misery

655 28 0
                                    

"Akiro's POV"

Pigil ang hininga kong inabot ang folder na naglalaman ng result ng DNA test sa pagkakalibing kay Bridget.

Nandito kaming apat sa bahay ngayon. Tinawagan ko sila at sinabi ang plano ko. Huli na para umangal pa sila dahil hawak ko na ang result. Kanina pa umalis ang taong inutusan ko nito.

"Kapag positive ang result, titigilan mo na ang kahibangang yan." - Axel.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Teka nga! Alam mo, napansin ko lang ah! Bigla na lang nag iba ang tingin mo kay Bridget. Kaibigan pa rin natin yun." - inis na saad ni Rafael.

Kahit si Lisa naiinis na din sa inaasta niya.

"Hindi ninyo kasi ako naiintindihan e!" - naiinis na saad niya sabay hilamos sa mukha.

"Edi ipaintindi mo." - Lisa.

"You know what..... Nevermind! Hindi ninyo din naman ako maiintindihan e!"

"Saan ka pupunta?." - tanong ko nang tumayo siya.

"Uuwi na. Wala din naman akong pakialam kung ano man ang maging resulta niyan. Mabuti pa nga kung talagang wala na siya." - seryosong usal nito.

'Aba'y gago to ah'

"Tarantado ka pala e!" - Rafael.

"Raf." - awat ko sa kanya nang akma niyang susuntukin ang isa. Agad kong hinarap si Axel at walang pagdadalawang isip na sinuntok ito.

"Pare, tarantado ka! Alam mo ba yun? Kahit ano pa yang dahilan mo, wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang taong mahal ko! Hindi mo alam kung gaano kong pinagdadasal na sana negative ang maging result, tapos ikaw gusto mo pa na siya talaga ang nakalibing dun?." - galit na usal ko.

Hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy na sa pag alis.

"Hayaan mo na yun." - Rafael.

Agad naman siyang nilapitan ni Lisa at pinakalma.

Ilang sandali pa naming kinalma ang mga sarili namin bago ko naisipang buksan na ang folder.

"Kung ano man ang maging resulta, nandito lang kami." - Rafael. Agad kaming nagsipag upo.

Nakita ko namang mangiyak ngiyak na si Lisa. Siguradong naghahangad din to na sana maging negative ang result.

Sandali kong kinalma ang sarili ko bago ko tuluyang binuksan ang folder.

Pigil ang hininga naming tinignan nang dahan dahan ang resulta at halos maupos ako sa kinauupuan ko nang tuluyan kong makita nang malinaw ang resulta.

'DNA Result of the Person burried: POSITIVE.'

Name of the Person: Allison Hanes.

Date of Death: None.

Reason of Death: Brutality.

"Pare." - nag aalalang tawag sakin ni Rafael.

Pinunasan ko ang luhang hindi ko man lang namalayang tumulo na pala at binigyan sila ng pilit na ngiti.

"I need air." - lang ang sabi ko saka tumayo at umakyat sa kwarto ko.

Agad kong kinuha ang kwintas na pagmamay ari ni Bridget.

'Akala ko, magiging negative ang resulta. Akala ko, talagang hindi ikaw ang nakalibing dun at buhay ka. Pero akala ko lang pala.'

My Queen, I miss you.

Hinayaan kong magpatuloy ang pag agos ng luha ko hanggang sa makatulugan ko ito. Yakap yakap pa rin ang kwintas ng Reyna ko.

Kinabukasan........

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now