Chapter 28: Kyses Adrelacine

599 28 0
                                    

(A/N: For clarification lang po, Dan Anwyll Hillston po ang name ng pinsan ni Akiro.)      

                            "Akiro's POV"

"Hindi daw makakasama sina Lisa at Viana satin. May gagawin pa daw sila." - paliwanag ni Rafael habang nakahalukipkip. Agad namang tumayo si Axel at naunang maglakad.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Ang usapan ay magkikita kita kami ngayon dahil linggo naman at walang pasok.

Dalawang buwan na ang nakakalipas nang magsimula ang klase at unti unti na ring napapalapit si Viana sa amin. Lalong lalo na sakin. Parang hindi nga ako nakakaramdan nang pangungulila kapag siya ang kasama ko e.

"Umuwi na lang kaya tayo?." - nabuburyong suhestiyon ni Axel. Agad naman siyang nakatanggap ng batok galing kay Rafael.

"Nandito na nga tayo o. Lakarin na lang natin ang parke, malapit na din naman yun." - anas naman ni Rafael. Tinignan ako ni Axel at nagkibit balikat lang ako saka naunang maglakad.

Maganda ang lugar na naisip naming tambayan. Para sa iba, simpleng lugar lang ang parke. Pero para sakin, espesyal na yun lalo't madalas ay bata ang nakikita kong patakbo takbo.

Natanawan ko naman ang dalawa na patuloy pa rin sa pagtatalo. Ngayon naman ay pagkain na ang pinagtatalunan nila. Tsk! Kung kailan gagraduate na, saka naman nagmukhang mga bata.

Aliw na aliw lang ako sa pagtingin sa mga batang naglalaro nang biglang maagaw nang isang bata ang atensyon ko.

Patuloy lang siya sa paglinga na para bang may hinahanap nang hindi niya namamalayan na nakalapit na pala siya sa pwesto ko.

"Hi." - nakangiting bati ko nang mapunta siya sa harapan ko.

"Hello po." - blanko ang ekspresyong saad niya.

Parang si Bridget din. Tsk!

"Anong ginagawa mo dito? Saka, bakit parang nag iisa ka lang yata?." - tanong ko habang palinga linga.

"Kasama ko po yung tita ko kanina, pero nahiwalay po ako sa kanya e." - kakamot kamot sa ulong sagot niya.

'Ang cute.'

Kung ako siguro maging tatay nito, hindi ko hahayaang mawala sa paningin ko ang batang to.

"Ganun ba?." Agaran siyang tumango. "Sumama ka na lang muna sakin, hanapin natin ang tita mo at isa pa, delikado ang palakad lakad nang mag isa dito lalo't ang bata mo pa." Paliwanag ko.

Agad naman siyang tumango kaya agad ko siyang kinarga. Ang gaan ng loob ko sa batang to.

"Anong pangalan mo?." - tanong ko habang naglalakad pabalik sa pwesto nang dalawa. Iniwan ko kasi sila saglit nang makita ko ang batang to.

"Kyses Adrelacine, but you can call me 'Khaii' po." -  deretsong sagot niya.

"Ang ganda naman ng pangalan mo." - puri ko dito na agad naman niyang ikinangiwi.

"My mom's the one who decide my name po. I actually prefer Kiero or Kysus, but that's what mom wants, so...." - muli siyang napakamot ng ulo.

'Bilib din naman ako sa batang to. Deretso siyang magsalita, ilang taon na kaya to?.'

"Bro-------woahhh! Kailan ka pa nagkaroon ng anak?." - Axel na nanlalaki pa ang mga mata.

Paismid akong umiwas ng tingin at nasalubong ko naman ang nagtataasang kilay ni Rafael.

"He looks like you." - kunot noong saad ni Rafael na agad namang sinang ayunan ni Axel.

Sa halip na pansin ang dalawa ay si Khaii ang hinarap ko.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now