Chapter 25: 365 Days of Training (2nd Part) and A Mission

591 31 0
                                    

"Sabrina's POV"

Bombing ang task na ibinigay samin ni Empress.

Agad naming tinungo ang lugar na nakalaan para sa amin. Kasama ko ngayon si Star at sabay naming tinutungo ang lugar kung saan maraming bomba ang nakalagay. Ang isang abandonadong building. Biruin ninyo yun? May abandonadong lugar pa pala dito.

Kung bakit pinanatili ni Empress ang lugar na ito ay hindi ko alam. Matanong nga sila mamaya.

Ang tasks na ibinigay sa amin ay dapat mailigtas namin ang isang hostage 'daw' at dapat maiwasan namin ang mga bombang nakatago. Kung hindi, sabay kaming ililibing ng buhay.

Akala ninyo ba madali lang to? Kahit pareho kaming expert pagdating sa bomba, hindi pa rin kami dapat maging kampante lalo't maraming land mines na nakatago dito.

("Becareful and be aware. Your tasks starts now.") - pumainlang ang matinis na boses ni Empress sa isang speaker na nasa pader malapit sa kinatatayuan namin.

Nagkatinginan kami ni Star at sabay tumango. Sumenyas siya kaya nagsimula na akong maghanap. Habang naghahanap ay maingat lang ang bawat galaw ko. Panay ang sulyap ko sa bawat bahagi ng abandonadong lugar na nadadaanan ko habang ingat na ingat sa paggalaw.

Meron kaming earpiece ni Star para magkarinigan at maupdate ang bawat isa.

*BOOOGSHHH*

("Sh!t! Muntik na ako dun.") - saad ni Star sa kabilang linya.

Sasabog ang bomba kapag mali ang paggalaw mo.  Dahil sa nangyari kay Star ay mas lalo akong naging maingat.

Wala pa akong nakikitang kwarto sa lugar na ito, pero meron pang hagdan. Ibig sabihin, hanggang second floor ito.

"Star, mag ingat ka. Paakyat na ako sa second floor." - saad ko sa aking earpiece habang umaakyat.

May nakita akong maliliit na black dots. Tingin ko mga land mines ito kaya agad kong pinag iiwasan. Sinisiguro ko talaga na wala akong dots na natatapakan.

Dali dali akong humakbang paakyat which is wrong move.

*BOOOGSHHH*

"Sh!t!." - muntik na ako dun ah!

("I forgot to warn you. Becareful too.") - Star. Napangiti na lang ako.

Buti na lang hindi na nasundan ang pagsabog na yun hanggang makaakyat ako.

Tsaka ko na poproblemahin ang pagbaba. Sumabog kasi yung kalahati ng hagdan. Tsh!

Kung kanina wala akong kwarto na nakikita sa baba, dito naman sa taas ay panay kwarto lang ang nakikita ko sa bawat paglingon ko.

Una kong binuksan ang kwartong malapit sakin. Maingat pa rin ako baka kasi may land mines pala na nakatago dito. Lumabas ako nang wala naman akong napansin na kakaiba, sigurado ding wala sa cabinet ang hostage 'kuno.'

Mahigit tatlong kwarto na ang napapasukan ko pero lumalabas din agad dahil wala namang kahit ano. Buti na lang talaga hindi na nasundan ang pagsabog na yun, kahit sa kabilang linya wala na akong narinig na pagsabog.

Binuksan ko ang pangalawa sa huling kwarto na nandito sa taas. Pagbukas ko, tulad kanina cabinet lang din ang nakita ko kaya lumabas na lang ulit ako.

"Sh!t! Ano ba?."

"Hahaha. Magugulatin ka pala." - natatawang saad ni Star. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Bakit ba kasi hindi ka nagsasabi na nakaakyat ka na pala----teka! Saan ka ba dumaan?." - e diba nga? Sumabog yung kalahati ng hagdan kanina. Kaya paano siya nakaakyat?

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now