Chapter 39: Kidnapped

556 21 0
                                    

"Capella's POV"

Magkakasama kami ngayon nina Agatha, Lucky, Angel at Liah.

"Agatha, may naiwan ata ako sa loob ng kotse. Kukunin ko lang saglit." Paalam ko.

"Sasamahan ko lang si Capella." Lucky.

Sabay na tumango sina Agatha at Angel.

Akmang aalis na kami nang biglang may tumigil na van sa harapan namin. Mabilis silang lumapit at hindi na kami nakapalag nang pilit nila kaming isinakay sa van. Nakita ko pang nagpumiglas sina Angel at Liah, but the next thing I knew everything went black.

                            "Sabrina's POV"

"Tito Star, laro tayo ng habol habolan." Kyses.

"Sige ba." At umalis sila.

Kasalukuyan kaming nasa parke. Dahil busy ang mga magulang niya, naisip namin na ipasyal siya. Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin sila nakakabalik.

Grabe naman maglaro ang mga iyon.

Dahil naiihi na ako ay sumaglit muna ako sa restroom.

Lumabas agad ako sa cubicle at agad nagretouch. Matapos nun ay agad akong lumabas sa girls restroom. Paglabas ay napako ang paningin ko sa isang taong nakahandusay sa boys restroom.

Magkatabi lang kasi ang girls at boys kaya pinasok ko agad ito.

Kinabahan ako nang makilala ang taong yun. Agad ko siyang nilapitan at niyugyog.

"Star."

Hindi pa rin siya nagigising.

"STARRRRRRR."

Unti unti na siyang gumalaw at dumilat.

"Nasaan si Kyses?." Kinakabahang tanong ko at narinig ko ang pagmura niya saka mabilis na tumayo.

"Sh!t." Mura niya habang palabas kami ng restroom.

"Ano bang nangyari?."

"Naglalaro lang kami ng habol habolan nang biglang may mga lalaking nanghila samin and the last thing I knew, knock out na ako. Sh!t! Sh!t talaga."  Sabay sipa sa isang lata.

"Hanapin na lang natin."

Agad naming hinanap si Kyses. Halos malibot na rin namin ang buong parke at kung saan saan na nga kami nakakarating pero hindi pa rin namin siya nakikita.

"Ano na lang ang sasabihin ko kay Queen?." Sabay sabunot sa buhok.

Hinagod ko ang likod niya.

'Kyses, nasaan ka na ba?.'

                           "Bridget's POV"

Abala ako sa pag aayos ng papeles nang biglang may pumasok sa opisina ko. Oo nga pala. May kanya kanya na kaming trabaho lahat. Pareho kaming business management nina Akiro, Lisa at Rafael. Ang iba naman ay ganap nang engineering, architect, doctor.

Dito din kami sa Archade's Valley nagtatrabaho lahat. Nasabi ko na bang parang city lang din itong AV? Kung hindi pa, pwes ngayon alam ninyo na. Kompleto ang building na ito. May mga tao na rin kaming pinapasok dito. This place are more like an evacuation center. The only thing is, everyone works and no one's excempted.

Atleast, they are all paid off.

"Baby, itigil mo muna yan. Come here." Agad akong lumapit kay Akiro.

"Turn around." Kaya yun nga ang ginawa ko. Bigla niyang hinawi ang buhok ko kaya ako na ang gumawa nun.

"It's perfect." I said amusingly while touching the necklace that he just weared me off.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now