Chapter 19: Mysterious Girl

739 31 1
                                    

After a year.

                         "Akiro's POV"

"Ready?." - tanong ko sa dalawa.

Tumango lang sila kaya hinanda na namin ang aming mga sarili.

For past five months, wala kaming ibang inatupag kundi ang magpakapagod sa paglaban sa Underground Battle.

Graduate na din kami ng 4th year high school.

Papunta kami ngayon sa Underground Battle para makipaglaban.

                        "Third Person's POV"

Kakaibang ingay ang ngayo'y pumaibabaw sa buong palibot ng Underground Battle. Lahat ay nasasabik sa panibagong laban na magaganap sa isang legendary gang ang A.R.A Conspiracy Gang.

Agad na naghiyawan ang manonood nang pumainlang ang tatlong magkakasunod na motor lulan nito ang tatlong miyembro ng A.R.A Conspiracy Gang.

Kasabay nang kanilang pagbaba ang mas lalong pag usbong ng sigawan. Sila ngayon ang tinatawag na Legendary Gang matapos nilang matalo ang karamihan sa malalakas pagdating sa mafia world apat na buwan ang makalipas.

Lahat sila ay nakasuot ng maskara at deri deritsung naglakad papunta sa gitna. Agad na lumapit ang emcee at nilahad ang mikropono na agad naman nilang tinanggap.

"Good evening. I know your all excited with the fight, and so are we." - saad ng kanilang leader na si Dhamus at muling inabot sa emcee ang mikropono.

Agad na may lumapit na tatlong taong nakamaskara sa emcee at may ibinulong. Sandali itong tumango tango bago senyasan ang mga tao na magsipagtahimik dahil meron siyang iaanunsyo.

"Ladies and gents of Underground Battle. We are here to witness the fight of Our Present Legendary Gang, the A.R.A. Conspiracy Gang." - panimula nito na muling nagpaingay sa manonood. Isinenyas niya ang kanyang kamay at nagsipagtahimik silang muli. "Another Gang called 'Calves Sniper' wants to fight them. So now, we're going to witness the fight between Our Legendary Gang and the Calves Sniper Gang." - at muling naghiyawan ang manonood. Mas malakas kesa kanina.

Agad na pumunta sa gitna ang dalawang gang.

Hindi pa man nagbibigay hudyat ay agad nang sumugod ang isa sa Calves Sniper na sinundan ng dalawa pa niyang kasama. Naging alerto naman ang A.R.A. Nagtangkang sumubok ng suntok ang kalaban ni Skater sa kanya, ngunit kamao lang nito ang nasalubong niya. Gumanti ang isa ng suntok at isa pang suntok ang nasalubong niya.

Tumalon naman ang kalaban ni Rafias at akmang sisipain siya ng umiwas siya. Nagbalak ulit itong sipain siya at sa pagkakataong ito ang puntirya nito ay ang panga niya, ngunit nabasa niya iyon kaya inunahan niya ito. Tumalon siya at sinipa ito ng dalawang beses dahilan para tumumba ito at sumuka ng dugo.

May patalim na hawak naman ang kalaban ni Dhamus na sa tingin nito ay leader ng Calves Sniper. Iniikot ikot nito sa magkabilaang palad at balak pamanghain si Dhamus. Ngisi lang ang ibinigay nito at parang sinasabi pa nito na 'ang hina mo, yan lang ba ang kaya mo?' na lalong ikinainis ng isa.

Pasigaw siyang sumugod at inip na inip naman sa paghintay si Dhamus. Akma niyang isasaksak sa isa ang patalim na hawak nito nang bigla na lang itong matumba dahil sa panang tumama sa kanya.

Sinundan nila nang tingin ang pinanggalinan ng isang maliit na pana, parang karayom lang ang laki nito. Doon tumambad sa kanila ang isang misteryosong lalaki. Lumapit ito at inilayo ang lalaking pinatamaan niya ng pana. Agad niya itong sinipa ng malakas dahilan para mas mapasigaw siya sa sakit. May pinuntirya ang misteryosong lalaki sa batok nila dahilan para mawalan ito ng malay.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now