Chapter 29: Jealousy and Feelings Confession

660 32 0
                                    

"Rafael's POV"

"Sweetheart." - tawag ko sa atensyon ni Lisa. Isinenyas ko si Akiro at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

Kasalukuyan kaming magkakaibigan na nakatambay sa Music room.

"Kanina pa ganyan yan." - puna niya habang matamang pinagmamasdan si Akiro.

Lumapit si Axel samin at agad na sinang ayunan si Lisa. Napansin din pala niya ang kakaibang kilos ng kaibigan namin.

"Sh!t!." - sabay kaming tatlo na napalingon sa kanya nang naging matunog ang pagmura niya.

"Tae." - Axel na agad tumayo at sinundan si Akiro.

"Tara sundan natin. Siguradong todas ang lalaking yun." - Lisa. Sinundan nga namin sila.

Nang makabalik sa canteen......

"Andiyan pa rin yan?." - maktol ni Akiro nang maabutang magkasama pa rin sina Viana at ang lalaking hindi ko kilala. Isang lower year.

Hindi siya napansin nung dalawa kaya parang batang nagmukmok na lang siya sa isang tabi.

"Viana." - tawag pansin ni Lisa na agad namang ikinalingon nang dalawa. Finally.

"Hi." - malawak ang pagkakangiting bati ng lalaki. Tinignan lang namin siya at agad naman siyang nakatanggap ng masamang tingin galing kay leader. Ayun, tumiklop!

"Gaano ba kahaba yang pinapaguhit mo sa kanya?." - hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya.

Napakamot naman sa batok ang lalaki at agad sinulyapan ang ginuguhit ni Viana dahilan para malipat din doon ang atensyon ko. Agad namang hinablot ni Akiro ang sketch pad dahilan para makatanggap siya ng matalim na tingin galing kay Viana.

Sa halip na pansinin ay ang lalaki ang kanyang hinarap.

Pabalang niyang binigay ang sketch pad sa lalaki at muli itong tinignan ng masama.

"Sa susunod, sa iba ka na lang magpagawa." - anas ni Akiro.

"Bakit naman? Magkaibigan naman kami ni Viana. Kahit hindi siya nagsasalita. Pakiramdam ko nga nahulog na agad ako sa kanya e." - paliwanag ng lalaki. Takte! Bakit kasi nagsalita pa?

Napakunot noo si Akiro at agad hinablot sa kwelyo ang lalaki.

'Sh!t!'

"Walang pwedeng magkagusto sa kanya." - galit na saad nito at pabatong binitawan ang lalaki.

Wala pang isang segundo ay agad nang tumakbo palabas ng canteen ang lalaki.

"Wooah! Pare, kalma! Highblood masyado e." - Axel. Napataas ang parehong kamay nito nang siya naman ang makatanggap ng matalim na tingin galing kay leader.

"At ikaw naman...." - agad nag ingay ang mga tao sa canteen dahil sa inakto nito. May mga naglabas pa ng mga cellphone nila. Napailing na lang ako.

Agad tumingin si Viana kay Lisa na parang humihingi ng tulong pero mapang asar na ngiti lang ang natanggap niya mula dito.

"Bagay sila no?." - bulong ni Lisa at wala sa sarili akong napatango.

"D*mn! I'm jealous." - nanggagalaiting sigaw ni Akiro sabay hilamos sa kanyang mukha.

'Tungek! Kanina pa namin alam.'

Napailing na lang ako.

                             "Lisa's POV"

'I guess, that's what HER effects to him, huh?.'

Love finds it's way nga talaga.

Nakangiti kong sinundan ng tingin ang dalawa matapos nilang lumabas sa canteen.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now