Labyrinth 31

6 2 0
                                    

Regret


Jana's POV

"Hmmm.." naalimpungatan ako at napabaling kay Abi. Namamawis na ito, hirap na hirap at mukhang binabangungot.

"Abi... Gising!" Pilit naman siyang ginising ni Peach. Pero iling naman nang iling si Abi at patuloy ang mga luha sa pagtulo mula sa mata.

"Archer, s-sorry... Kasalanan ko--" at panibagong butil na naman ng luha ang lumabas gilid ng mata nito. Nagkatinginan kami ni Peach sa narinig at hindi ko na lang maiwasang mapabuntong hininga. She's still stuck. Her nightmare is pulling her back, not letting her to be free.

"Gumising ka Abi!"

Marahan kong tinapik ang pisngi nito at mayamaya pa'y nakita ko na ang dahandahang pagmulat nito ng mga mata. I noticed how her eyes are shaky, uneasy, full of fear... And sadness. Mabilis ko itong dinaluhan at inalalayan sa pag-upo habang siya naman ay naghahabol ng hininga.

"Abi, hindi mo kasalanan..." Wika ko habang yakap-yakap siya at tinatapik ang likod nito.

"Walang gumusto ng nangyari. Hindi mo ginusto 'yon." Patuloy ko habang pilit siyang pinakakalma. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga at ang pamamasa na ng suot kong damit.

Sa ngayon ang bangungot namin ay talagang makatotohanan na. Para bang hindi na kami nakaalis sa panaginip namin. Parang nabuhay na lang kami sa sariling bangungot. Naging biktima na kami ng isang bangungot na hindi naman namin ginusto. Who knows that 'nightmare' also do come true, right?

"Pero a-ako ang dahilan! Ako ang dahilan kung bakit siya nawala! He tried to f-find me, Jana. It's all f*cking me!" I suddenly felt that pang of pain in my chest while hugging her tight. Self-blame is the worst kind of punishment. You keep living, breathing, and walking with the sack of pain due to regrets of what should have been and what could have been.

"He search for you because he doesn't want you to be in danger, Abi. He wants you to live! Tingin mo ba ay magugustuhan ni Archer na habang buhay mong parurusahan ang sarili mo?!" Peach's voice echoed in the whole hall, anger can be felt by it. Her temper just sparked! Every word she just spoke is too firm and too real. I even jolted from my seat because of it! Upon looking up watching her shoulders rising up and down, I noticed something. She might be boiling with anger but her eyes... It's so sad and in pain. Naramdaman ko mula sa'king mga braso kung paano natigilan si Abi dahil dito. Peach is just always sweet, loud, and cheerful. We never witness this kind of Peach! That's why it's terrifying!

"Gusto niya lang na mabuhay ka, Abi..." Her voice cracked upon continuing.

"Don't let Archer's sacrifice be in waste." Huminga ako nang malalim matapos sabihin iyon. We're all in pain but we should not let this pain be the hindrance for us to survive. We need to get out of this crazy maze alive. Nang tuluyang nang tumahan at mahimasmasan si Abi ay tinulungan ko na itong tumayo. Napagewang pa ito nang bahagya at agad na hinawakan ang ulo. Mabilis naman siyang inalalayan ni Peach. Napakunot naman ang noo ko habang inoobserbahan ito, at hindi maiwasang mag-alala pero nang mapansin niya iyon ay agad naman siyang ngumisi.

"Ayos lang ako, dude! Nabigla lang siguro." Maangas niyang sabi na sinabayan pa ng tawa. Depensa agad si ate mo gurl, wala pa nga akong sinasabi, eh! Bruhang 'to! Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok nito. Abi is slowly getting back to herself. Yey! Guess Peach's anger made her realize it. Well, better!

"Aish! Wag mo ngang guluhin ang buhok ko!" Asar niyang ani at sinamaan pa ako ng tingin. Oh, kita mo! Natatawa na lang akong binalewala ang protesta nito at umuna na sa pagrampa.

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now