Labyrinth 08

64 24 18
                                    

'No one knows what's behind your sweet smile. You may ALWAYS pretend and keep it inside, BUT it can also kill you alive.'

-inkofdawn

Archer's POV

Lahat kami ay nakatingin sa isang box na nasa harap namin ngayon. Saktong nakalagay 'to sa daanan palabas nung pinagkainan namin kanina. Tinignan ko si Lay at tumango lang ito kaya binuksan ko na ang box. Mayro'n itong puzzle board at kaunting piraso para mabuo ang puzzle. Ang ibang puzzle ay wala. Hula ko ay bukod sa task na hanapin ang mga kaibigan namin ay may task pa kami na konektado sa puzzle sa harap namin ngayon. Kinuha ni Madeline ang puzzle at tinignan ang likod.

"That crazy must left a note about that piece of sh*t" ito talagang malditang babae na 'to, natalo pa ako sa pagmumura! Tinignan naman ni Lay ang loob ng box at naghanap pa ng kung ano. Tinanggal n'ya ang panyo na nasa ilalim kanina lang ng puzzle at nakita namin ang isang salamin.

"What the heck?! Mirror again? It reminds me of that room,"  inis na sabi naman ni Madeline. Ano raw?!

"Nanggaling s'ya sa kwartong puno ng salamin," sagot ni Lay ng makita ang nagtataka ko na mukha kaya napatango na lang ako.

"Baka naman konektado sa'yo ang task na 'to, Madeline?" Komento ni Abigail.

"Not just me--- but ALL of us. Eh kung ako lang edi sana ako lang ang nandito ngayon," sabay hawi nya ng buhok nya. May punto naman siya do'n. Napailing na lang ako at napatingin sa puzzle kung saan may napansin ako.

"Teka lang, Madeline! Napansin niyo ba 'to?" Kinuha ko ang puzzle at tinuro ang sulat sa ilalim nito. Maliit lang pero mukhang mahalaga?

"Your first task is to FIND the missing puzzle pieces here in Labyrinth" Ibig sabihin ba no'n ay hindi para sa'min ang task na narinig namin kanina? Ay teka-- ano? Ano nga ba talaga?

"Ito ba yung task na'tin? A-akala ko ba ang hanapin ang mga kaibigan natin?" Tanong naman ni Abigail. Napailing na lang ako at napahawak sa batok.

"Maaring ang paghahanap natin sa mga piraso ng puzzle na 'to ang tutulong sa'tin para mahanap sila," napatingin ako kay Lay ng seryoso niyang sabihin 'yon at parang nagkaroon naman ng light bulb sa ulo ko.

"Hide and seek!" Napatingin naman sila ng masama sa'kin kaya naman napangiwi ako.



"Tsk, corny pero mukha nga" sabi ni Abigail. Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa bagay na nasa pinakadulo ng box ngayon. Mga kutsilyo.





Lemon's POV

Suot namin ang mga damit na mahaba at nakababa naman ang hood nito. Ang sarap sa balat ng tela dahil komportable at hindi mainit. Mukha naman din naka-aircon ang buong lugar, eh. Patuloy kami sa paglalakad at napansin ko naman ang pagbabago ng disenyo ng paligid. Mapapansin ang mga ugat ng halaman sa pader ng pasilyo. Ang iba ay tinubuan na ng bulaklak at dahon at ang iba naman ay mga tuyo na.

"Guys, ganito... May naisip na ba kayo na paraan na pwede natin gamitin para iwanan sila ng clue?" Ani Damen. Napaisip naman kami dahil doon. Iyan pala ang pinaguusapan nila ni Melody kanina pa, hmm..

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now