Labyrinth 32

8 1 0
                                    

Aren't we too tired of escaping and running away from our fears?

Jana's POV

Natatakot ako. Hindi ko ikakaila 'yon.  Lalo na't sa papalapit ng malaking taong 'to ay sobrang naghuhurumintado ang puso ko. Another creepy laugh coming from him echoed the hallway. Mas nagtindigan pa tuloy ang mga balahibo ko pero pilit kong tinatagan ang loob. I took a step background while silently, I prayed that I'll going make it. I prayed I'll keep my friends safe.

Sampung hakbang na lamang ang layo nito at sa tingin ko ay makahaharap ko na 'to. Pero bigla na lang itong huminto. Mas lalo tuloy akong kinabahan!!! Maygascasie! Whoo~ inhale, exhale... Kaya mo 'yan self! Yes, the fighting spirit, girl! Napapikit ako nang mariin bago kunin ang espada sa'king likod.

There's no turning back, Jana.

I glared at him. You don't come near my friends. Dadaan ka muna sa'kin. Pashneya!

Inatras ko ang isang paa bago ko iwinasiwas ang espada tanda na handa na ako. Tinitigan ko itong mabuti at nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla na lang itong kumaripas sa direksyon ko! Agad siyang sumugod! Dali-dali akong napaatras at sa kaba ay... napatakbo! Sheda!

Tagaktak na ang pawis ko at pumapagaspas naman ang hangin sa balat ko habang tumatakbo. Nahinto na lang ako nang may pakaliwa, pakanan at pa-diretso sa hallway. Tae! Napabaling ako sa kabila't kanang daan pero wala na 'kong oras para magmini-mine-mo! Pinili kong kumaliwa at tumakbo muli nang mabilis. Sana hindi ko pagsisihan ang desisyong 'to, geez. Sa kalagitnaan ng pagmamadali ay napansin kong ang mga ilaw sa tinatakbuhan kong pasilyo ay maya-mayang nagpapatay-sindi! Naku! Sa layo nang tinakbo ko ay sunod pa rin siya nang sunod. Ayaw sumuko, amp. Sa pagod ay huminto na ako.

"Tama na ang habulan. Nakawarm-up na ako." Nakapameywang na ani ko bago humarap dito. Huminto na rin naman siya at wait-- napakunot ang noo ko nang mapansing kahit medyo malayo sa'kin ay pataas-baba na rin ang dibdib nito. Oh? Hiningal siya?

Ipwinesto ko na ang sarili at dahandahang iniharap ang espada ko, konting pose muna bago ang sakuna. Inhale, exhale... Labarn! Nang makarecover na yata ito ay dahandahang lumapit na ito sa'kin. Hawak niya sa kanang kamay ang malaking hammer. Mariin naman ang pagtitig ko dito bago dahandahang lumapit. Mukhang parehas lang laming nagpapakiramdaman habang paikot-ikot at tinatantya kung sino ang mauuna. Maya-maya'y bigla na naman itong tumakbo palapit sa'kin at halos mabilaukan ako sa pagkabigla at mabilis na umiwas. Sa pag-atras ay napatango-tango naman ako.

"Bumibigla? Hmm.. I like that!" Taas kilay kong puna dito bago kumindat. Gano'n pala ang atake mo, ah. Napapansin ko ring mas tumatagal na ang pagdilim sa bawat pagpatay-sindi ng ilaw sa hall na 'to. Sheda! Hindi maganda senyales. Mukhang mangangapa na naman ako sa dilim! Tinatantya ko ang ilaw habang mariin ang titig sa kalaban. Saktong pagpatay ng ilaw ay kumilos agad ako nang mabilis at maingat. Iwinasiwas ko ang espada kasabay nang pagkarinig ko ng parang pagkapunit. Kasabay nang pagbukas uli ng ilaw ay nakita ko ang mga telang punit na nahulog na sa sahig. Tela lang ang napuruhan ko?

Maingat kong hinakbang ang mga paa bago muling ipwesto ang espada. Napataas ang isang kilay ko nang mapansin ang dugong tumutulo mula rito... Ibig sabihin ay nasugatan ko rin siya! Napangisi naman ako. One point kay mareng Jana! Magdidiwang pa sana ako nang bigla na naman itong sumugod! Sheda, pabigla-bigla! 'Saka nagalit ko yata?! Mabilis akong napayuko kasabay nang pag-atake nito sa'kin gamit ang hammer niya. Napahinga ako nang malalim bago gumawa nang maliit na pagtalon habang nalayo rito. Medyo malayo siya sa'kin kanina pero dahil sa laki at haba ng mga braso niya ay kamuntikan na rin niya akong maabot!

Tinitigan ko ito at sa pag-aaral ko sa mga galaw niya kanina ay napansin kong impulsive ang mga ito. Mukhang hindi nito mas'yadong pinag-iisipan ang mga kilos. Kampante na ba siya dahil sa laki niya? Tsk, isa lang siguro sa advantage niya ay ang laki ng katawan niya, and other than that I still don't know. Pero parang mabilis din itong maasar?! Kung gano'n... Huminga muna ako nang malalim bago ngumisi. Agad at mabilis akong sumugod dito. Mukhang hindi niya inaasahan ang pag-atake ko kung kaya'y mabilis niyang iwinasiwas ang hawak na hammer sa kung saan-saang direksyon. Nakita ko agad ang malaking espasyo sa gitna ng binti niya kaya'y hinawakan kong mabuti ang espada bago itinaas ito at malakas na inasintang kaliwa-pakanan kasabay nang pagdulas ko.

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now