Labyrinth 21

20 6 0
                                    

|Warning: physical, emotional, and mental violence ahead. Read at your own risk.|



Lay's POV

 Nakangiting pinihit ko ang seradura ng kahoy na pinto ng bahay. Excited na akong ibalita kay nanay ang pagkapanalo ng banda namin sa Battle of The Bands 2019! Tiyak na matutuwa 'yon! Nang itulak ko pabukas ang pinto ay siyang pagdausdos at pagtumba nito sa lupa. Napakamot naman ako ng ulo dahil dito. "Naayos ko na kahapon 'to, ah! Malamang ay pabalya na namang binuksan 'to ni tatay, tsk." Oo, hindi katulad ng mga kaibigan ko ay mahirap lang ang pamilya namin. Mabuti na lang ay 'di sila tumitingin sa antas ng buhay para sa mga taong kakaibiganin nila. Isa rin sila sa rason kung bakit nangangarap ako kahit na ganito lang ang buhay namin. 

Inayos ko na lang ang pinto saka pumasok sa loob. Bumungad sa'kin ang masikip at maliit naming sala. Sa gitna ay may maliit na lamesa kung s'a'n nakalagay ang mga pinggan, kanin at ulam. Napakunot ang noo ko ng mapansin na hindi pa tapos ang pinagkainan

"Pera! Pera ang kailangan ko Agnes! Mag-iinuman pa kami mamaya nila Hulyo. Ayaw na ako pautangin ng tindera sa kanto! Nasa'n na ba ang pera?!"  Teka, boses ni tatay 'yon, ah! Ibinaba ko ang bitbit na gitara at bag. Mabilis akong tumakbo sa kwarto na pinanggalingan ng sigaw. Binuksan ko ang pinto para lang maabutan si tatay na dinuduro si nanay habang ang isang kamay ay hawak ang bote ng beer. Bayolente talaga ito mas lalo pag nakakainom

"W-wala. Wala na akong pera--"

"Anong wala? Eh diba naglalabada ka naman?!"

"Hindi na ako makapaglabada pa dahil sumasakit na ang bewang ko--"

"Wala kang silbe!" Biglang tinaas ni tatay ang isang kamay at hindi ko inaasahang sasampalin nito si nanay! Natigilan ako at hindi makapaniwala sa nakita. Narinig ko ang lakas ng pagkasampal nito. Mas'yadong malakas ang sampal dahilan ng pagsubsob ni nanay sa lamesa sa gilid ng kama! Nanlamig ako ng makita ang ang pag-agos ng dugo sa binti ni nanay. A-ang kapatid ko! 

Mabilis akong tumakbo papunta do'n at tinulak si tatay."N-nay!" Mabilis akong lumapit sa kan'ya kasabay ng pagkarinig ko ng pagkabasag. Hinawakan ko ang mga braso nito at halos madurog ang puso sa mga butil ng luha na nag-uunahang maglabasan sa mga mata nito. Takot, takot ang nakikita ko dito. Kasabay ng pagkadurog ng puso ko ay ang unti-unting pag-usbong ng galit mula rito. Wala sa sariling ikinuyom ko ang mga kamao. Umigting ang aking panga at nandilim ang paningin. Hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari. 

"A-anak..." napabalik na lang ako sa realidad ng makita ko ang mga dugo sa'king kamay. Nakahawak ang isang kamay ko sa leeg ng basag na bote. Nakasaksak at nagmumula ang mga dugo sa tyan ni tatay. 

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now