Labyrinth 17

29 9 11
                                    

"How's life? Being wide-awake of reality's lies."


Abigail's POV

Mabilis ang bawat yapak namin. Maingat ngunit kinakabahan din. Panay ang lingon ko habang ang kasama ko ay humahanap ng matataguan namin, bwiset talaga! Biglang na lang may humatak sa akin dahilan ng kamuntikan kong pagsapak dito buti na lang napigilan ko ang sarili ko, hayup!

"Pfft--" nagpipigil kami ng tawa habang maingat na nagtatago sa isang pader. Hinabol lang naman kasi kami ng mga baranggay tanod nang makita kaming nagvavandal ni Archer sa isang abandonadong bahay sa isang kanto!

"Pasaway na kabataan talaga!" Nakahinga lang kami ng maluwag nang malampasan kami ng mga payaso at mga malalaking tanod. Natawa pa ako nang mahina habang pinapanood ang tumatalbog na tyan nung isa habang tumatakbo at may hawak na batuta, laptrip!

Nag-apir kami at nagtanguan dahil do'n. "Woah! Naisahan natin bruh!" sabi ko habang naghahabol ng hininga.

"Buti na lang talaga! Masyado nang gabi kaya arat na at ihahatid na kita sa inyo," sabi nito matapos ang ilang minuto pagmamatyag namin saka ako hinila.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam mo naman na ayaw ko sa bahay diba--"

"Dapat nasa bahay ka na nang ganitong oras, Abi," sermon ng ungas sa akin with matching pag-iling pa sa'kin. Luh! Damen iz dat you?

"Ungas ikaw ba 'yan?! Baka namalikmata mata lang ako at si Damen ka talaga!" biro ko dito. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Siraulo! Kaibigan mo 'ko, Abi. Ayaw ko lang na mapahamak ka, babae ka pa naman," sabi nito sabay pitik sa noo ko!

"Aray! Bwiset 'to," gigel na reklamo ko dito.

Ginulo pa nito ang buhok ko bago lumarga at nakangiti naman akong kumaway dito. Napabugtong-hininga na lang ako bago pumihit paharap sa bahay namin. Binuksan ko ang gate at marahan na naglakad papasok sa loob. Pinapakiramdaman ko kung may tao o wala. Patay ang ilaw sa buong bahay at minabuti ko na dumaan na lang sa garahe. Sobrang tahimik at halos mukhang walang tao kaya naman napatalon ako ng makarinig ng pagkabasag ng kung ano galing sa taas, paktay! Hindi ako magkamayaw sa pagtakbo kahit sa hagdan at mabilis na binuksan ang kwarto! Lumikha ito ng malakas na tunog sa buong kwarto dahilan upang tumingin sa'kin si mama. Ang mga mata nito'y puno ng luha at mas bumuhos pa ito nang makita niya ako. Hawak din nito ang isang baso na panigurado ay may lamang alak.

Labyrinth's MysteryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora