Labyrinth 04

90 28 15
                                    

MAZE

'You won't know the feeling not until you're on their feet. Be careful of what you speak or you may touch their wounds that are still 'unhealed'.'

-inkofdawn


Laine's POV

 Patuloy kami sa paglalakad at napagpasyahang lumiko. Ang mga pader ay parang isang gallery wall! Napakaganda at talagang bumabagay sa itsura ng lugar na mistulang vintage. 

"Kanina pa tayo paikot-ikot at lakad nang lakad, eh! Parang napakahaba ng lahat ng daanan at ni walang binatana o pintuan!" iritado ang boses na sabi ni Lemon habang patuloy kami sa paglalakad. 

 "Parang wala ng katapusan," dagdag ko pa dito. Napatango naman siya sa sinabi ko.

"Teka lang!" 

Natigilan kami parehas ni Lemon sa tangkang paghakbang nang pigilan kami ni Led. Takang napatingin Naman kami sa Led. 

"Tignan niyo, wala ng sahig!" huh?

 Mula sa kaniya ay inilipat ko ang paningin sa harap at napahakbang na lang paatras nang makita ito. Napahawak ako sa aking labi at hindi maisip ang dahilan ng mga biyak na sahig at ang malalaking butas at pagitan na nilikha nito sa daanan. Ang mga pader din ay may mga lamat.

"Lumindol ba?"  walang ideya na wika ni Lemon. 

"Pero bakit sa parte lang na 'to?" tanong ko din. Puro na lang kami tanong at kahit isa ay wala pang nasasagot. 

Nabuntong hininga na lamang ako. Humanap na lang kami ng iba pang madadaanan. Kanina pa kami sa kalalalakad at hindi na namin malaman kung ilang oras na ba kaming naglalakad. Nang mapagod ay napagpasyahan namin na magpahinga at tumigil na lang muna. 

"Sino ba kasi ang nagdala sa atin dito?! Tuwang-tuwa ang mga 'yon panigurado dahil napagtripan tayo, tsk," nakahalukipkip na wika ni Led habang nakasandal sa pader. Napabuntong hininga na lang ako at tumingala. Malaya naming nakikita ang mga bituin sa langit. Madilim ang kalangitan at talagang nagliliwanag ang mga bituin. Tingin ko rin ay malalim na ang gabi.

 "Gaano katagal kaya tayo nakatulog?" ani Lemon. Napatingin ako dito at nagkibit-balikat na lang. 

 "I also don't know but I'm curious about how and 'who' is that person that put us here? What's really his intention for taking us here?" I voiced out my thoughts.

 "Baka nantitrip at may hidden cameras dito tapos pinagtatawanan na pala tayo," inis na wika ni Led. Napailing na lang si Lemon.

 "Hindi natin alam pero ang mahalaga ay malaman na natin ang daan palabas. Gusto ko ng umuwi, eh," aniya at inunat ang mga braso.

 I nodded in agreement with her opinion. One more thing is that we're still in our school's uniform. I observe the walls in each of our side very well and noticed that it's very long, too high that it's really hard to reach! The pathway is also narrow. Slowly a conclusion is forming in my mind.  A thought that keeps on bugging me after I woke up and went out of that place.

"You know what guys.." I looked back at Lemon and waited for her to continue.

"Ano 'yon? Alam mo na daan palabas?" ani Led, gustong-gusto na din talagang umuwi. May klase pa kami bukas--- ay simula na pala ng sembreak namin!

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now