Labyrinth 24

20 2 2
                                    

The Man in Shadows


Laine's POV

Patuloy ang paggapang ng apoy. Nakakapanindig ng balahibo ang mas pagdami nito! Maaring hindi na makalabas pa ang tao na nasa loob! Mula sa bintana ng nasusunog na kwarto ay mabilis akong tumakbo sa pintuan. 

"Laine!" sinuong ko ang loob at 'di na inalintana pa ang pagtawag nila Led sa pangalan ko. Hindi ko pababayaan ang taong nasa loob! Hindi ako tatayo lang sa isang tabi at hahayaan ang paglamon ng apoy sa buong kwarto. 

 Napakainit at ang amoy ay talagang masakit sa ilong. Itinaas ko ang isang kamay at itinakip 'to sa'king bibig at ilong. Pilit kong hinahanap kung nasaan na siya! Inilibot ko ang mga mata sa kwarto at sa tulong na din ng apoy ay nagbibigay ito ng liwanag sa paligid. Napansin ko ang mga vandal sa pader at ang magulong kabuuan ng kwarto. Gamit ang isang kamay ay itinaas ko ang saya ng suot ko. May kahabaan din talaga 'to dahilan ng pagiging istorbo sa'king paglalakad. 

"Lay! Nasa'n ka?!" Sigaw ko at pilit inaaninang ang dinadaanan.
Napaatras pa ako ng biglang may nahulog malapit sa'kin. Napaubo ako pero nagpatuloy sa paghahanap. Delikado na! Kailangan ko na siyang mahanap! Mula sa sa malayo ay may naaninag akong nakatayo.

"Lay?! I-ikaw na ba 'yan?!" napansin ko ang paglingon-lingon nito na parang may hinahanap. Madilim at tanging nagbibigay liwanag sa amin ay ang mga nagbabagang apoy na kumakain sa paligid. Pilit ko 'tong inaninag.

"Laine?" malalim at nagdadalawang isip na banggit nito sa pangalan ko. Napangiti naman ako nang mapagtantong ang boses na 'yon ay galing kay Lay! Pinunasan ko ang pawis sa gilid ng noo at nabuhayan ng loob.

 Humanap agad ako ng madadaan papunta sa kan'ya. Mabilis at maingat habang iniiwasan ang mga apoy sa paligid. Sa isa pang hakbang ay nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang nahulog na bagay sa harap ko mismo! Agad na itinaas ko ang isang braso at iniharang 'to sa'king mukha. Pigil ang hininga at napaluhod na lang ako ng maramdaman ang panghihina ng tuhod ko. 

Hindi ako nabagsakan pero nang ilibot ko ang mga mata sa kinalalagyan ay madilim na at halos wala na akong makitang maaring labasan! Napaubo akong muli habang nararamdaman ang pagtulo ng mga butil ng pawis sa sintido.

"Laine! Nasa'n ka na ba?!" napaubo akong muli at halos hindi na makita ng maayos ang paligid dahil natatakpan na ang paningin ko ng mga usok at apoy sa paligid. 

Hindi ko na magawa pang sumigaw sa panghihina. Napahawak ako sa dibdib ng umubo ako ulit habang naramdaman ang mas paninikip nito. Bumibigat na ang aking mga mata at nakakaramdam na din ako ng antok.

"S-si Lay..." napaubo akong muli at marahas na umiling. Pinilit ko ang pagbangon kaso ay hinang-hina na ako dahilan ng pagbagsak kong muli sa sahig. Hinanap ko ang bulto ni Lay kung saan ko ito nakita kanina. Madilim ang paligid at tanging inaasahang gabay ko na lang ay ang anino nito.

"K-kailangan ko syang tulungan." bulong ko na pati sariling boses ay hindi ko na halos marinig. Napayukom ang aking kamao at naramdaman na lang ang mas pag-usbong ng galit sa sarili. Lagi na lang ba ganito? Bakit ba napakahina ko? Bakit ba hindi ko mailigtas ang mga taong mahal ko? Bakit lagi na lang nauulit ang pangyayaring 'yon? Napayuko na lamang ako at napapikit ng mariin. Bakit ba lagi akong nauuwi sa isang sitwasyon na nasa harap ko sila at pinagmamasdan silang unti-unting nawawala? 

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now