Labyrinth 11

35 13 13
                                    

"Complete the missing puzzle piece to free yourself from guilt."

-AlasDarkArcher

Jana's POV

Ang paligid ay kakaiba talaga kaysa sa task hall kanina. Ang pader ng lugar ay walang mga halaman pero brick walls naman ang style, taray! Sa magkabilang gilid naman ay may pinto. Isang kulay puti at ang isa ay itim. Hmm.. Alam niyo, ang yaman ng nagdala sa amin dito eh! Kaso may saltik nga lang, tsk! Humakbang na kami paalis ni Lemon sa bilog na nagdala sa amin dito.

"Sa white tayo papasok?" tanong niya at bumaling sa akin.

"Pero gusto ko doon sa black," sabi ko naman. Napailing siya at itinaas ang kamao--- oh my gulay! Is she going to punch me?! Why not sabunot na lang diba? Because why not coconut!

"Oh bakit ka nakasalag d'yan?" Takang tanong niya sa'kin. Ay, ano ba kasi dapat?!

"Ha?" naguguluhan kong tanong pabalik. I thought..

"Hatdog! Tsk, ewan ko ba sa'yo Jana! I mean bato-bato pick tayo, kung sino manalo 'yon ang susundin kung saan na pinto tayo pupunta," ahhh okiee! Napakamot ako sa hairlalu ko at napangiti kay ateng nang pilit.

"Hehe sorry naman! Triggered ka masyado, ihh," hinanda ko ang sarili at ini-atras pa ang isang paa para bumwelo malay mo diba manalo. Itinapat ko na ang kamao ko kasabay ng pagbagsak ng parehas naming kamao. Napasimangot naman ako sa resulta kasabay naman ng pag-angat na gilid ng labi niya!

Nauna na siya maglakad at sinundan ko naman ito. Sa pagpasok namin sa puting pinto ay bumungad sa amin ang malaking kwarto na puno ng mga libro at may mga shelves din kung saan nakalagay ang makakapal na libro. Hindi rin talaga halatang gustong-gusto naman ng babaita na kasama ko ngayon 'to, kulang na lang ay yakapin niya na nga ang mga shelves eh. Ang amoy sa buong kwarto ay nakakaexcite mga mamshie! Hindi ako mahilig magbasa ng mga libro kasi mas bet ko ang mag boy-hunting pero mukhang maganda din na hobby ang pagbabasa 'no?! Try ko rin 'pag nakalabas na kami dito sa creepy at stressing na lugar na ito! Ngiting tagumpay naman si Lemon at na nagsimula ng maglakad sa isang parte.

"Sizter! Dito lang ako ha, try ko makahanap kung may signs na nakapunta sila dito!" Ang mukha nito ay sobrang mangha pa din! Hindi na nga ako nagawang lingunin o sagutin eh! Inechapwera ba naman ang magandang si ako?! Hindi naman ata tama 'yan, che!

Naglakad na ako sa kabilang parte at binalewala na iyon. Amoy libro ang buong malaking kwarto at sa hindi ko maexplain pero nakakatuwa ito amuyin! Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at pagtingin sa mga libro.

"Nakapunta na kaya ang mga 'yon dito?" Bulong ko sa sarili. Nakarating na ako sa dulo ng shelf at napatigil ng makita ko ang isang napakahabang makapal na pulang kurtina. Kung iisipin ay mukha lang itong normal katulad ng sa ibang mga library lalo na kung may bintana pero sa lugar na ito ay hindi normal ang mga bagay. Mas lalong hindi ipapakita ng may-ari nitong lugar ng basta lang ang labas! Sa pagtataka ko ay agad kong hinawi ang pula at makapal na kurtina at bumungad sa'kin ang malapad na kahoy. Iba sa matatas na pader nitong library. In-oberserbahan ko ito at napagtantong isa itong lumang pinto!

"Lemon!" Tawag ko dito at ilang sandali ay narinig ko naman ang nagmamadaling mga hakbang nito.

"Bakit ba Jana may nangyari ba? Teka, ano yan? Bakit may pinto dyan?!" Grabe tih ha! Sunod-sunod talaga magtanong?!

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now