Labyrinth 05

74 26 17
                                    

'The more you show your 'true' color, the more predators you attract.'

- inkofdawn

Jana's POV

Hinihingal ko na ipinatong ang kamay sa machine ng mapatay na namin 'to--- grabe mamshie! Nag-ala ninja kami this day! Pinaypayan ko ang mukha gamit ang isa kong kamay dahil sobrang na-stress ang beauty ko! Napatingin naman ako kay bruha na malagkit ang tingin kay fafa Jax, eww. Asa ka naman na i-crush back ka nyan, tse! Kaderder naman kasi sizter, para niyang lalapain in 3 seconds! Alam n'yo yun, yung tigreng bigla ka aatakihin?! Insert: Rawr, rawr, rawr~

Speaking of fafa Jax, tagaktak na din naman ang pawis niya, pero wafu pa din naman s'ya. Nakakapagod din yung nangyari sa kanya eh, nagtatakbo siya-- buti na lang runner ang lolo mo! Napatingin uli ako sa kwarto na pinanggalingan ko at naalala ang nangyari bago nag-espadahan! Este magsiliparan ang mga shureken na 'yan!

Flashback:

Nagising ako dahil sa sobrang lamig ng paligid. Itataas ko sana ang kumot ko ng wala naman akong makapa?! Salbahe talaga 'tong si Peach! Makikitulog na nga lang sa bahay ko mang-aagaw pa ng kumot?! Bruha talaga nakakatrigerred! Tumagilid ako para bungangaan siya ng mapansin kong---

"Hindi ito ang kwarto ko!" Nangilid ang mga luha ko at napayakap ako sa sarili.

"A-ang dangal ko," sino ang walanghiya ang kumuha ng dangal ko?! Inilibot ko na lang muna ang mga mata ko sa paligid dahil mukhang wala pa namang tao. Delay muna galit natin sizt! Hmm, buong kwarto ay colorful, bongga! Pansin ko na ang pader ay parang tinapunan ng paint. Alam nyo 'yon mga siz? Parang basta natapon lang pero agaw atensyon ang kisame ng kwarto. Kulay grey lang at wala ng iba pang kulay. Maging ang sahig ay kulay puti lang. Bakla! Ang sakit naman sa brain cells! So, kesa maghihihiga at tumunganga ay tumayo na lang ako.

"Sino kaya ang nagdala sa'kin dito? Baka gusto niya lang ako i-paint? Hehe, nahiya ka pa koya. Why naman this way pa?! Dapat sinabi mo na lang, eheh" napatingin naman uli ako sa paligid at inobersabahan pa ito nang mayroon akong mapagtanto. Mapait akong ngumiti at tumango-tango. Alam ko na ang pinapakita sa'kin ng buong kwarto na 'to-- ang kalagayan ko at wala na akong magagawa pa ro'n. Napagpasyahan ko na lumabas na lang. Wala naman sigurong pakay na masama sa'kin ang taong nagdala sa akin dito. Nang bubuksan ko na ang pinto ay nakita ko na may nakadikit na sticky note na color yellow dito.

"Remember this three things: Duck, cover, and crawl." huh? Corny mo naman! So, gamit ang hands ko ay pinihit ko na ang door para buksan. Nakita ko ang pag-ilaw ng pula sa bawat gilid nito. Isang beses pa akong nakarinig ng isang matinis na tunog na talagang weird. Binalewala ko na lang iyon at humakbang na palabas pero nang iangat ko ang paningin ay nanlaki ang aking mga mata. Gulat na napatili ako at napahawak sa magkabilang pisngi ko nang makitang may mga lumilipad na kulay itim papunta sa pwesto ko! Kaya naman sa takot at kaba ay mabilis ako na dumapa at hinawakan ang head ko. Tulad ng nabasa ko ay gumapang din ako para makalayas sa triggering room na 'yon! May gasssss cassie! My harttt went oops!

End of my triggering flashback.

"Haynako people in the Philippines! Bakit ba kasi nandito tayo? Sinong hangal ang nagdala sa atin dito?!" Myself is panicking!  Napailing si Jax na parang sinasabing 'di niya alam. Umiwas lang naman ng tingin ang bruha, amp! Napahinga na lang ako ng very deep dahil do'n.

"Ano? Aabutin na tayo ng bandila! Arat na!" Aya ko sa kanila at dahil do'n ay napagpasyahan na din namin na rumampa at hanapin ang daan palabas. Habang rumarampa kami ay nakarinig ako ng madaming yapak-- my gasssss cassie! Is that our kidnappers?! Nanlaki ang mga mata ko at nagkatinginan kami.


Are we already done?!

Is this doomsday?!

Damen's POV

Napahawak ako sa ulo ko ng bahagya itong kumirot sa pagbangon ko. Napatingin ako sa paligid kung nasaan ako habang naririnig ko ang pagtugtog ng violin . Napansin ko naman na punong-puno ang paligid na 'to ng maskara. Iba't-iba ang kulay nito. May maskara na katulad din sa mga ginagamit sa 'Chinese Opera'. Makikita ang iba't-ibang emosyon dito at hindi ko mapigilang pangilabutan dahil sa mga nakikita sa buong kwarto. Kahit sa'n ka tumingin ay may maskara!

Pero bakit nga ba ako nandito? Napatingin ako sa kurtina na kumikinang na kung saan ay pinanggagalingan ng nakakaakit na tugtog. Pagkahawi ko ng kurtina ay tumambad sa akin ang mala-gintong kulay ng kwarto at may mga detalye pa ng parang palasyo.

Sa gitna ng kwarto ay may kama at isang babae? Napansin ko agad ang buhok nito na may kaunting kulay green at kulot na kulot. Napakunot ang noo ko at nagtatakang lumapit dito dahil sa kuryoso. Nang tuluyang makalapit dito ay bumungad ang pamilyar nitong tindig. Kahit na nakatagilid at natatabunan ng buhok nito ang mukha niya ay may isang tao ang pumasok sa isipan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kan'ya. Napansin ko na nakatali ang mga kamay nito ng lubid maging ang mga paa.

"Miss?" Hinawakan ko ang braso nito na dahilan nang pagpiksi niya.

"P-please 'wag mo akong hawakan" mahina man ang boses niyang nanginginig ay sapat na para manlaki ang mata ko ng boses niya ang marinig ko. Totoo bang---

"Huwag m-mo akong saktan,"

"Melody?" Kinakabahan kong bigkas. Agad siyang humarap sa'kin ng marinig niya ang boses ko at do'n ko nga nakumpirma!

"Damen? Damen, i-ikaw nga!" agad ko siyang niyakap ng mahigpit kasabay ng paghagulgol nito sa akin. Sobra ang panginginig ng katawan niya at ramdam ko ang takot nito. Tinapik ko ang likod nito bago lumayo. Hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya. Nakita ko ang mga luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata nito. Mas nadurog pa ang puso ko ng makita iyon. Pinunasan ko 'yon bago ngumiti sa kanya.

"You're now safe, Melody. Please stop crying," Sabi ko dito. Tumango naman ito kaya naman nang masigurado kong ayos na siya ay tinanggal ko na din ang mga tali sa kamay at paa niya. Nag-igting ang panga ko at pinipigilan ko naman ang sarili na huwag tumingin sa manipis niyang damit. Sino bang siraulo ang nagsuot nito sa girlfriend ko?! Nang matanggal ko ang mga tali sa kan'ya ay tinanggal ko na din ang jacket ko na itim at pinasuot sa kan'ya.

"You feel fine now, baby?" Tumango siya at mas humigpit ang hawak ng kamay niya sa'kin.

"Let's get out of here," lumabas kami ng kwarto na 'yon at naramdaman ko naman ang pagdikit niya sa gilid ko ng madaanan namin ang maraming maskara. Tulad pa din kanina ay naramdam ko uli ang pamilyar na pakiramdam..

Na para bang marami ang nakamasid sa ginagawa ko. Pakiramdam na dapat hindi ako magkamali.




___
Another update! I hope nagustuhan nyo 'tong chapter na 'to. Thanks for still reading nakakatouch SOBRA! I want to know your thoughts and feelings about this chapter. Kindly leave your feedbacks, comments and votes

-inkofdawn

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now