Labyrinth 10

39 12 13
                                    

"You're saving others because you failed to do it to yourself."

-inkofdawn



Abigail's POV

Kanina pa kami naglalakad sa lugar na 'to at hinahanap ang mga piraso ng puzzle. Mayro'n na kaming hawak na apat galing mismo sa box at sa paghahanap naman namin kanina ay may tatlo pa kaming nakuha, ayos diba?! Sa paglalakad namin ay ako ang nahuhuli habang si Madeline ang nauuna at nagiiwan ng note sa mga lugar na napuntahan na namin. Makatutulong na rin 'yon para maging guide para sa mga kaibigan namin na kasalukuyan ay may 'task'  din ngayon, tsk! Bwiset, mamaya totohanin pa ng baliw na owner nitong lugar yung death threat niya sa'min kung hindi namin gagawin ang tasks n'ya! Kahit naman nakikipagbasag-ulo ako at puro kalokohan, mahal ko pa din naman ang buhay ko! 

So, 'yon nga, katabi ni Madeline ang jowakels niya na si Lay na may hawak ng mga piraso ng puzzle, boo! EDI WOW sa inyo! Nasa likod naman nila ang creepy na si Archer na may hawak naman ng frame ng puzzle--- pero alam niyo may kakaiba talaga sa kaniya ngayon mga bruh! Kanina pa siya seryoso eh, nagiging mapagmasid, mapagmatyag na parang si matanglawin! Masyado niyang kina-career ang paghahanap! Bago kasi sa paningin ang pagiging seryoso niya at hindi ako sanay! Si Archer kasi yung loko o siraulo sa tropa, yung tipong happy go lucky lang. Mahilig sa mga laro, mag-ml o online games mga gano'n? Hindi niya sineseryoso ang mga bagay, kaya nakakapagtaka talaga eh. Kasama ko pa nga 'yan sa mga kalokohan! Lalo na pag trip kong magcutting kaso nga lang 'pag nahuli naman kami ni Melody na guidance counselor ng tropa, hindi na kami nakatutuloy. Medyo tumino lang rin 'yan epekto na din siguro ng mahumaling sa mga 'genius' tulad na lang ni Lemon--- tsk, ambabaho niyo, pweh! Hayss kaya ayoko munang lumandi eh, gusto ko yung free lang ako! Tipong game lang lagi sa lahat kahit anong oras.

Habang naglalakad kami sa pasilyo ay nag-obserba at nagmatyag na din ako para sa task. S'yempre para na rin may ambag naman ako sa grupo! Sabihin pa nila dumbell ako! Napansin ko naman na may paliko na parte at nakita ko d'on na may nakabukas na pinto.

"Ano kaya 'yon?" Bulong ko sa sarili at sa kuryuso ko ay naglakad ako papunta do'n. Pagkalapit ko ay hinawakan ko ang door knob ng pinto at tuluyang tinulak ito pabukas. Do'n bumungad sakin ang pader na puno ng vandal. May talsik pa ito ng pulang paint na sa sobrang pagkadark ng pula ay mukha na 'tong dugo! Ang kama sa gilid ng kwarto ay magulo at gano'n din ang kabuuan nito. Parang party-party lang ang peg ng may-ari nito ah! Hinakbang ko ang mga paa palapit sa mga bubog at basag na kalahating bote ng alak sa sahig at kapansin pansin ang blood stains sa parteng ito. May napansin naman ako na kung ano sa side table ng kama kaya tumayo ako at lumapit dito. Isang maliit na piraso ng puzzle! Kinuha ko ito at napangisi. Sa wakas ay may nakuha na rin!

"Ayos! May nahanap na din ako, 'kala mo ikaw lang Archer, ha!" Ipagmamayabang ko 'to sa kupal na 'yon, ha! Teka nga lang asan na ba sila? Malawak ang ngiti ko na lumabas ng weird na kwarto na 'yon pero sa pag labas ko ay wala akong nakita ni sino o anino?! Huwag mo sabihing...

"Paktay!" Mahinang bulong ko sa sarili.

"Archer? Nasa'n na ba kayo?!" Wala akong narinig kahit na ano at tanging yapak ko lang ang naririnig sa pasilyo.

"Yohoo! May nahanap ako na puzzle piece, guys!" Katulad kanina ay walang sumagot at nagsimula na din akong kabahan. Hindi ako matatakutin pero iba kasi 'tong sitwasyon na ito eh. Bukod sa hindi madali ang maghanap sa lugar na 'to, mahirap din hanapin ang daan palabas! Putek, talaga. Napagpasyahan ko na maglakad at bumalik sa pasilyo bago ako pumunta sa weird na kwarto na 'yon. Nang narating ko ang lugar ay wala na sila dito! Nagmartsa ako kaliwa't kanan at inis na kinamot ang ulo ko.



Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now