Labyrinth 15

32 11 8
                                    

  Time



Jana's POV

 Mabilis ngayon ang mga hakbang namin at halos tumakbo na nga. Napagpasyahan kasi namin na umidlip na lang muna saglit ni Lemon dahil sa pagod. Nang magising kami ay agad kaming naalarma dahil alam namin na napahaba na ang tulog namin! 

 "Jana! Dito tayo," napatingin ako sa tinuturo ni Lemon na isang pasilyo ulit. Tumango ako saka kami naglakad doon. Tense na talaga kaming dalawa, mga siz! Para kaming naghahabol ng project sa terror namin na ngayon na ang pasahan. Idagdag mo pa ang patay-bukas sinding ilaw sa dinadaanan namin, katakyut! Horror booth lang ang peg?! Mahigpit na yakap naman ni Lemon and librong nakuha niya kanina sa library. Anggara nga dahil mukhang bago lang ang libro. Bakit nga ba kinuha pa ng babaita ang libro na 'yan? Well, siguro souveneir niya sa lugar na 'to. Agaw atensyon naman ang malaking vase sa pasilyong nilalakaran namin. May patterns pa na may iba't-ibang shapes parang geometry kemerut! Hindi ko tuloy mawari at mukhang antique pa ang mga ito pero in fairness! Alaga naman 'tong part ng pasilyo na ito mga besh, shining shimmering and splendid! Pero kahit na gano'n ay natatakot pa din ako sa parteng 'to. Lakas kasi maka 'horror' ng peg, mga tih!

"Bes, ang gusto ko lang naman ay buhay na makalabas dito pero nakakainis naman at mukhang mamatay pa ako dito sa takot!" bulong ko kay Lemon habang nakalingkis ang braso ko sa kaniya. Parang monkey lang pero dyosa pa rin mwehehe. Halata rin naman na natatakot na siya pero gora pa rin ang lola mo sa misyon namin eh, oha! Sanaol matapang at kaya ipaglaban!  Pabebe pa kasi siya kay fafa Archer palibhasa may maipagmamalaking hinaharap, eh 'no?! Napayuko naman ako at nakita ang marble tiles ng sahig. Nagpatuloy kami sa tahimik na paglalakad at napatili ako sa gulat ng makarinig ng malakas na pagkabasag na kung ano. 

Hindi lang pala ako ang nagulat, maging si Lemon din! Ako lang talaga ang nagreact nang bongga! Sabay kaming napatingin sa likod at nakita ang isang basag na vase. Lumapit kami dito at akmang mas lalapit pa si Lemon.

"Siz, mag ingat ka ha! Baka makatapak ka ng bubog," paalala ko dito. Tumango naman siya sa'kin saka marahang umupo malapit dito at may kung ano na kinuha. Eh, dahil nga sa dakilang chismosa ako ay mabilis akong lumapit dito at dumungaw sa hawak niya. Isa itong kahoy na kasing laki lang ng kamay. Tinignan ko itong mabuti at napahawak na lamang sa bibig dahil sa nabasa.

"First warning"  basa ni Lemon sa mahina at nanginginig na boses. Ang mga salita ay nakasulat gamit ang pulang likido o mas mabuting sabihin natin na isang dugo. Kinuha ko ang piraso ng kahoy at tinignan ang likod. Muli ay may nakasulat uli gamit ang pulang likido at ang nakalagay naman ay..

"3 hours left."  nagkatinginan kami ni Lemon at mas kinabahan. Hindi na namin kailangan pa ipaliwanag pa ang nakalagay sa kahoy sa isa't-isa. Alam na namin na bilang na ang mga oras at kailangan na namin mahanap ang mga kaibigan namin. 

Lakad-takbo ang nangyari at talagang nakakahilo! Hanggang sa hingal at tagaktak na ang pawis kaming napaliko sa isang pasilyo. Inabot ko ang bag na nakasabit sa likod ko at kinuha ang tubig saka lumagok ng galon! Napatingin naman ako kay Lemon at inabutan na din siya ng tubig. Umiling naman siya kasabay ng pag-angat niya sa isa bote ng tubig--- oh! Okay

Matapos makapag-refresh ng very light ay nagpatuloy na nga kami. Napabaling na ako sa harap at nasaksihan sa isang gilid ang dalawang taong may angking harot! Nagkatinginan kami ni Lemon at sabay din na napangiti. Sa wakas at nahanap na din namin sila!

"Mga mahaharot na nilalang! Kayo'y magsigising!" bulyaw ko sa dalawa nang makalapit kami dito. Unang nagising si Madeline at dahan-dahan na idinilat ang mga mata--- ay pak! Ang ganda! Nang tuluyan na siyang magising ay napanganga pa ang bruha nang makita kami! 

"What's with the horrible voice?! Aishh! Oh em-- is this f*ckin' true?" mahina at hindi makapaniwala niyang tanong. Natawa naman kami ni Lemon. Palamura pa din kahit kailan at take note! Nilait pa ang aking magandang voice! How dare you?!

"How dare you to lait-lait mah golden voice?! And yes bij, nasisilayan mo na uli ang dyosang si ako," proud kong sabi sabay patong ng mga kamay sa bewang. Inirapan naman ako ng bruha at natawa na lang din. Masaya niya naman na ginising ang jowakels n'ya na si fafa Lay. Tulog mantika pa din zer? Kahit ganito na ang sitwasyon?!  

"Jana? Lemon?" tanong nito na parang sinisigurado pa kung tama ba ang nakikita habang kinukusot ang mga singkit nitong mata. Niflip ko naman ang buhok ko dahil na din dito.

"The one and only! Hayss.. ayan ha, hindi makapaniwala?!" sabi ko dito na ikinatawa nila Lemon at Madeline. 

"What's with your outfit guys? You both looked like came from some harry potter's something?" nagugulahan na tanong ni Madeline. Napakibit-balikat din ako eh. Malay ko ba kung ano ang trip nung owner diba?

"Long story, mamaya na tayo magkwentuhan pagbalik natin sa hall" paalala ni Lemon. Oops--

"Yup! Time's still running, we need to be back before it ends!" singit ko. Hindi na din kami nag-aksaya pa ng oras at rumampa na! Mabilis kaming umalis do'n at kamuntikan pa na maligaw! Nakahinga lang siguro ako ng maluwag ng masilayan na namin ang itim na pinto. Sa wakas ay kasama na namin silang makababalik! Ako ang nagbukas ng pinto at si Lay na din ang nagsarado nito. Yumuko naman si Madeline at may dinampot na kung ano sa gilid ng pinto. Nang makita ko ay isang puzzle piece ito. Nakangiti siyang lumapit uli sa amin saka kami umapak na sa bilog pero hindi hugis itlog ha! Bilog lang talaga mga beh! Kayo ha, ano'ng iniisip mo kapatid, hmm? 

Ako na din ang humawak sa baging 'saka ito hinila at kinalampag na para maging signal sa kanila sa task hall na nandito na kami-- ang "power rangers" chOur! Heh, waley.. 

Marahan ang naging pag-angat namin. Napangiti na lang ako dahil sa wakas ay natapos na din. Makakalabas na kami!

"But," napatingin kami kay Madeline. Nakatingin ito kay Lay bago tumingin sa'min ni Lemon. Wews, SANAOL may jowa! May pag-aalinlangan sa mga mata nito at napakagat ng labi bago huminga ng malalim. Ano ba kasi sasabihin nito? Suspense ka tih?!





"H-how about Archer?" 



Natigilan ako dahil sa narinig at napawi ang ngiti sa aking labi. Tuluyan na kaming tumaas kasabay ng pagsalubong ng liwanag sa hall.



Ibig bang sabihin no'n ay..







"YOUR TIME IS NOW UP GUESTS!" 





at nasundan ito ng nakakarinding tawa. 







Hindi namin nahanap si Archer?









____

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now