Labyrinth 09

50 15 10
                                    

       'We're scared of our so-called nightmares to the point that we always find ways to ESCAPE. But really the only way to end it is to FIGHT and win over YOURSELF.'

–inkofdawn


 Melody's POV

"Ready?" Tanong ni Led. Tumango ako maging ang iba. Nakatungtong na kami ni Jax sa napili namin na bilog na kulay green. Lahat kami ay walang ideya sa kung saan kami dadalhin ng mga pinili namin pero kung hindi kami pipili ay walang mangyayari. We have to take the risk because if not, we'll regret it too. Kung hindi namin magagawa ang 'task' ay hindi rin namin mahahanap ang mga kaibigan namin. We are tasked to find them only within 24 hours and we already consumed 3 hours and 18 minutes! The fact that we need to find them or we're dead or they will, just made me scared. There's no assurance. That's why we need to try and do our best.

Lumapit sila ni Peach sa poste na hanggang bewang kung sa'n may mga buttons na kakulay ng mga bilog na marka. Napagtanto namin na 'yon ang magdadala sa'min sa kung saan mang lugar patungo ang mga bilog na ito. Lumapit naman si Peach sa mga pinagdugtong namin na baging at isa-isa 'yon na binigay sa'min. Ginawa 'yon ng mas matibay pa nila Damen. Kasali sa plano na ang baging na 'yon ay hihilain namin 'pag nakabalik na kami sa bilog matapos hanapin ang mga kaibigan namin o kung may masamang mangyari para na rin maging signal na rin 'yon sa kanila ni Led at agad kami matulungan. Matapos niya maibigay sa bawat grupo ay pinindot na ni Led ang button na kulay pula, ang kina Damen at Laine. We looked at each other's eyes for a moment and I can't help but feel worried. He smiled to assure me that everything will going to be fine. And even there's uncertaintly circling my thought, I smiled back at him and just hoped that these circles will really lead us to our friends. We just stared at them until they disappeared. Next, Led pushed the light blue button. Unti-unti ay bumaba na din sila Lemon at Jana. And at last, our circle. We slowly go down and as it gets deeper, our eyes met darker place. Tanging ilaw sa hall ang nagbigay liwanag sa'min na unti-unti na din lumiliit.

"We should grab our flashlights, Melody," rinig kong sabi ni Jax. Siya ang may hawak ng baging namin.

Kinapkap ko naman ang bag ko at kinuha na rin ang flashlight dito gano'n din si Jax. Nang tuluyan na kaming makababa ay isang malakas na tunog pa ang narinig namin dahil sa pagtama ng bilog na ito sa sahig ng lugar. I quietly observed the place we're in and we're currently in the hall full of greens-- you know leafs and stuff? Parang secret garden ang style. May liwanag din dahil sa mga light stones sa gilid-gilid. Hindi kasing liwanag ng hall pero tama lang ilaw sa light stones para makita kahit paano ang paligid. Tumapak na kami palabas ng bilog ni Jax at mas nadama ang presko at malamig na hangin. If this was just a normal place, I would gladly spend my time here and relax. The cold wind blows again and I can't help but admire the bunch of roses and different flowers. Everything looks perfect and even romantic, but the reason why we are here just ruins it. Bakit ba kasi kami nandito? To play the owner's game? Pathetic.

"Tingin ko, do'n na lang tayo magsimula?" atsaka ko itinuro ang bukas na pintong napalibutan na ng mga dahon at maliliit na baging. Tumango naman s'ya at napagpasyahan na din namin na itaas ang hood dahil baka may kung ano pa na mahulog. Habang naglalakad ay hindi ko alam kung ako lang pero may napapansin akong kakaiba mula sa paligid o baka naman ay napapraning lang din ako?

May naririnig ako na kung ano pero mas pinili ko na lang na hindi pansinin--- na pinagsisihan ko lang din.





Laine's POV

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now