Labyrinth 26

12 2 0
                                    

"Answer the unknown."


LED's POV

Ramdam ang malamig na sahig mula sa aking likod ay napapiksi ang aking mga daliri. Nasaan ako?

"Led, gising!" Napakunot ang aking noo at marahang binuksan ang mga mata. Mula sa malabo ay bumungad sa'kin ang pamilyar na mukha ng nag-aalalang si Melody. Sa likod niya ay si Damen na ginigising naman si Lay. Dahan-dahan naman ay umupo ako mula sa pagkakahiga. Salubong ang aking kilay na iniisip ang huling pangyayari. Ang huli ko lang na natatandaan ay galing kami sa nasusunog na kwarto at kasama si Lay na lumabas do'n. Matapos namin sila iligtas ni Laine na na-trap sa loob ay naramdaman namin ang pagod at antok. Nakakapagtaka lang--- napangiwing inabot ko ang gilid ng aking ulo dahil sa biglang pagkirot nito.

"Nasa'n tayo?" Ibinaling ko ang ulo kina Lay at Damen, bagong gising lang si Lay at makikita na maitim ang sa ilalim ng mga mata nito. Tulad niya ay wala din talaga kaming maayos na tulog dahil dito sa pesteng lugar na 'to.

"Teka?" Inikot ko ang paningin sa buong lugar. Bakit wala siya? Bakit wala sila?

"Paanong tayo lang ang nandito?" Nalilito at kinakaban kong tanong. Napabaling ako kay Melody nang marinig ang pagbuntong-hininga nito. Kaya ba gano'n na lang ang expression niya kanina?

"Nagising na lang ako at napansing kulang na tayo," paliwanag niya at nalilitong tinignan ang paligid. Iba na naman ang pakiramdam ko, hindi maganda ito. Naalala ko ang nangyari kay Archer at aaminin kong natatakot ako. Ang mga luha, sigawan, hagulgol at dugo. Napapikit na lamang ako ng mariin. Hindi, hindi 'yon mangyayari uli. Proprotektahan ko ang mga kaibigan ko.

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko na halos mga wala sa sarili at malalim ang iniisip. Naagaw ng pansin ko si Damen. Siya ang tumatayong lider sa grupo namin noon pa man. Paano na lang ang nararamdaman niya ngayon hindi ba? Napansin ata nito ang titig ko sa kaniya kung kaya'y tumikhim ito.

"Kung ayos na kayo, magsimula na tayong hanapin sila." wika nito sa matigas na tono. Napatango ako at nagkatinginan naman kami. Tumayo na ako at magsisismula na sanang humakbang nang biglang magkaroon ng malakas at matinis na tunog galing kung sa'n. Natigilan kami at napagtanto kung para saan iyon.

"My dear guests were finally awake! Good evening!" Nahinto kami at hindi mapakaling ibinaling kung saan-saan ang tingin. Saan ba nanggagaling ang boses na 'yon?

"I didn't dared to wake you up, you all look tired..." para bang awang-awa ito sa amin. Eh siya nga ang dahilan kung bakit kami nandito! Napakuyom ang aking kamao habang halos mas magsalubong na ang mga kilay.

"The audacity!"

"What the actual f*uck?!-"

"I heard you're finding your friends, right?" Masayang wika nito na para bang isa siyang napakabuting taong makatutulong sa'min. Tinignan kong muli ang mga kasama ko na nagpipigil lang ng kanilang sarili.

"May kinalaman ka sa pagkawala nila!" Ang malakas na boses ni Lay narinig sa buong paligid.

"Oops! I'm just here to help! My guests, I won't make it hard for you!" Pangkukumbinsi nito sa'min. Nagkatinginan kami, at sa paraan pa lang na iyon ay nababatid na namin sa isa't-isa na wala kaming tiwala sa sinabi nito.

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now