Chapter 1

6.3K 62 6
                                    

Under the heat of the sun, I looked around, then saw those people I know that's carrying different storms inside themselves. Storms that don't want to go away and just moving their cycle that causes noise, like there's a train station that keeps running in their mind.

As I grew older, I realized that it's not life that is unfair, instead it's our own self. We shouldn't always blame every minute and tomorrow, for making us feel happy now, then in just a blink of an eye we are already interacting with sadness. We shouldn't blame fate, if now we're enjoying the moment, then on the next rising of the moon we're already looking at the mirror and staring at how vulnerable we are.

"Guevarra, Jishanne Morie?" Naglakad na ako palapit sa assistant na naka-upo sa harap ng mahaba na lamesa.

"Yes Sir, ako po ito." He put a check behind my full name on the list of scholars.

"Anong year ka na ba?" tanong nito habang nagbibilang ng pera na para sa akin.

"Grade 7, pa lang po. Mukha lang college dahil stress na iyong pagmumukha ko, Sir!" biro ko, pagkatapos ay kontrolado lamang ang aking paghalakhak.

"Mag-aral mabuti ah," sabi nito, kasabay nang pag-abot ng pera sa akin. Ako naman ay sumaludo pa kasabay ng aking pagtayo mula sa aking pagkakaupo.

"Syempre naman po. Sige kuya, salamat!" Matapos ko makuha ang scholarship ko na may halaga na two thousand five hundred ay dumiretso na ako sa pamilihan para bumili ng tanghalian namin bago umuwi.

"Manong, dito na lang po." Matapos ko iabot ang bayad sa tricycle driver ay bumaba na ako sa loob ng sasakyan bitbit ang aking mga napamili.

Bago ang eskinita patungo sa aming bahay ay nahagip ng aking paningin si Kuya Aldrich, na naglalaro na naman ng basketball sa malapit na court dito sa amin.

"Nagsweldo na naman pala tayo ah," kantsaw niya sa akin. Ako naman ay hindi muna siya kinibo sa halip ay hinaba ko pa ang aking leeg para makita kung kasama din ba niya sa paglalaro ngayon si Lionel, ngunit si Dandreb ang aking nakita.

Nakapwesto ang dalawang kamay nito sa ere habang hawak ang bola at tila ititira sa may ring. Napa-ngiwi ako at dismayado na nagpatuloy sa aking paglalakad.

"Patikim ng biyaya mo mamaya Morie, ah!" sigaw pa ni Kuya.

"Asa ka!" sigaw ko pabalik sa kaniya at pumasok na sa may eskenita.

"Nanay, 'Tay? Nandito na-" Naiwan na nakabuka ang aking bibig ng bumungad sa akin ang kunot na noo ni Tatay.

"Araw-araw na lang ganito. Mas malala ka pa sa bubuyog!" Magsasalita sana akong muli nang lumabas naman si Nanay mula sa pintuan ng aming bahay.

"Bakit mali ba sinasabi ko sa iyo? Hindi ka man lang magpulak ng kawayan doon sa likod para maayos itong nagigiba ng lababo natin!"

"Bahala ka sa buhay mo!" Madiin akong napahimas sa aking kaliwang sintido habang pinagmamasdan si Tatay na kunin ang kaniyang sombrero at maglakad palayo sa bahay.

"Nakakainis iyong Tatay mo." Napasapo ito sa kaniyang noo, pagkatapos ay napatingin sa aking hawak.

"Ito nga po pala iyong binili ko sa palengke, tsaka heto po iyong pera, tatlong daan lang po iyong nabawas diyan." Ngumiti ito, lumapit sa akin at tinanggap ang pera.

"Salamat, anak. Halos dito na lang din tayo sa scholar mo umaasa. Iyong tatay mo naman kasi ayaw na maghanap ng trabaho."

"Ikaw naman kasi Nanay, palagi ka high blood. Hindi po ba ang sabi ni Tatay magi-spray pa siya sa bukid kaya hindi niya maasikaso ang paghahanap ng trabaho?" Sumunod ako sa kaniya papasok sa bahay.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon