Chapter 11

1.4K 22 0
                                    

When I first met him during my seventh grade, I always told to myself not to be so close to him, that I shouldn't made him stepped in my world because I think he just only awaken the demons inside my head, but then everytime our eyes met, it seems like he's a way to erase all my dark thoughts.

Last summer we became closer. In our second year highschool, I considered him as my rest to all the tiredness that I felt in my roller coaster of doubts and fears in every tomorrow. And now, it's another summer with him.

"Ang laki din talaga ng palayan niyo 'no?" Narito kami ngayon sa may kabilang banda, kung saan nakapalibot sa amin ang mga taniman ng gulay.

"Alam mo dati, nakikisaka lang din daw si lolo kina Tita Xeilyn. Tapos nang maging successful na si Mommy at nagka-trabaho at saka palang din kami nakabili ng mga ganitong kalaki na palayan." Nagulat ako sa kaniyang sinabi, mahina naman siyang natawa.

"Oh, ang buong akala ko ay sa inyo na talaga ito." Umiling siya.

"Marami naman talagang bagay na pinaghihirapan muna bago makuha." Dumaan sa pagitan namin ang katahimikan.

"Mabuti naman at hindi mo nami-miss si Kuya Lionel?" Napalingon ako sa kaniya, madalas ito ang katanungan niya sa akin, lalo na noong pasukan namin bilang second year high school na kami.

"Nasanay naman na ako." Bahagya akong tumawa at inilihis sa kaniya ang aking paningin. Komportable kami sa ganito, ngunit hindi ko alam kung sa likod ba ng aming pagsasama ay may itinatago din siyang espesyal na pagtingin sa akin.

"Hmm. Iyong si Denver sana hindi na natin maging kaklase ngayong third year tayo. Mabuti na nga lang ngayon ay wala siya dito."

Under the blue skies with a floating clouds, the wild itchy winds blew my hair the same time I darted my eyes at him again.

"Ano ba problema mo kay Denver? Kahit noong pasukan ay mainit na ang ulo mo sa kaniya? Mabait naman iyon, subukan mo kayang i-close?"

"Masiyadong madikit sa iyo." Napatitig ako sa kaniya at naitikom ko ang aking bibig. A smile dance on my lips as he avoided my gazed.

Lumipas ang bakasyon na halos siya palagi ang aking kasama. Sabay kami nagpa-pirma ng clearance, sabay nag-enroll at kinaharap ang bagong yugto ng aming paga-aral.

"Okay, the nomination for muse and escort is now opened," sabi ng ngayon ay nanalo na secretary.

"Ma'am si Lexie po," sagot ng mga kaklase namin, mabilis naman itong tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.

Kung tutuusin ay tila pinaglalaruan ako ng tadhana, hindi na nga namin naging kaklase si Denver na madalas kabwisitan ni Dandreb ay naging kaklase naman na namin ngayon si Lexie na nag-transfer dito sa aming eskwelahan, ngunit hindi naman pagkainis ang nararamdaman ko sa kaniya, sadyang marami lang pumapasok sa isipan ko na insekyuridad kapag nakikita ko siya.

"Ma'am, I object!" Naging dismayado ang aking mga kaklase, ako naman ay hinayaan na lang sila magtalo at isinusulat ko na lamang din ang mga nasa pisara ng officer.

"Okay, anyone?"

"Ma'am, si Lyka na lang po. Nang lumaban po siya noon sa buwan ng wika sa section nila ay nanalo siya."

"Okay! May tututol ba?" Wala ng sumagot sa aking mga kaklase kaya naman si Lyka na ang naging muse.

"Sa es-" Hindi pa man natatapos magsalita ang aming teacher ng mayroon na akong narinig na nagsalita.

"Dandreb for the escort na iyan!" Halos lahat ay sumang-ayon, mayroon pa naghiyawan. Alam din naman kasi halos ng lahat na may gusto si Lyka kay Dandreb.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now