Chapter 14

1.3K 20 1
                                    

It's September 14. Mariin ang hawak niya sa aking bewang, muli niya akong iniharap sa isang grupo ng kaniyang mga bisita.

"Tita Xeilyn and Tito Clio, si Jishanne nga po pala, iyong nililigawan ko." Bahagya akong yumuko at bumati sa mga ito.

"Oh, ang akala ko naman ay si Lexie, iyong nililigawan mo?" Mula sa aming likod ay narinig ko naman ang boses ni Lexie.

"Tita Xeilyn, hindi po kami bagay ni Dandreb. Kaya mga po gumawa ako ng para maalis ang pagka-torpe niya at ligawan niya na itong si Morie." Mahina ako natawa ng senyasan ni Dandreb, si Lexie na tumahimik.

"Sige po, balik na ako doon. Itong kasing si Dandreb ay nahihiya aminin na torpe naman talaga siya."

"Parang iyong, Daddy niya pala," natatawang sabi naman ng Tito Clio ni Dandreb.

"Dandreb, andito na ang lolo mo!"

"Halika, ipapakilala kita sa kaniya."

"Nakakahiya naman na Dandreb. Nililigawan mo pa lang ako, pero pinapakilala mo na ako sa lahat ng angkan mo." Nag-angat siya ng kilay sa akin.

"Mas mabuti na iyong kilala ka na nila, bago pa tayo ikasal." Ngumisi siya sa akin.

"Happy Birthday, apo!" salubong nito sa kaniya.

"Thank you po, Lolo Danilo!" maya-maya ay boses naman nina Jay at Ron ang namayani.

"Pare! Wala bang inuman?"

"Oo nga." Tumawa ang dalawa.

"Inuman na agad ang nasa isip niyo, hindi niyo pa nga ako binabati!" Mabilis siyang nilapitan ng dalawa at inakbayan.

"Ito naman, excited!"

"Happy Birthday, Dan Drebor! Libre mo sa amin sa lunes ah, extended dapat ang birthday mo." Naghalakhakan sila.

Matapos niya ako ipakilala sa kaniyang mga kamag-anak at magkaroon ng kaunting kwentuhan at kainan ay inaya niya ako dito sa may hardin sa likod ng kanilang bahay.

"Dito na muna tayo, baka kasi na iingayan ka na sa loob."

"Hindi naman." Napalunok ako at tumikhim bago iabot sa kaniya ang purselas na aking ginawa.

"Happy Birthday, ulit. Pasensya ka na walang magarbo na regalo." Mahina akong tumawa, ini-isip ko nang baka hindi niya iyon tanggapin at magustuhan.

"Wow! Thank you so much for this, Jishanne. Your effort for this means a lot to me." Ngumiti siya sa akin at tila hinaplos ang aking puso sa kaniyang mga sinabi, ngunit hindi ko pa din maalis sa aking isipan na baka sinasabi niya lamang iyon sa akin para hindi masaktan ang aking damdamin.

"Ano na naman ang iniisip mo diyan?" Napatitig ako sa kaniya at napailing.

"Siya nga pala, pinapasabi ni Kuya Aldrich na pasensya na daw at hindi siya makakapunta, kasi may trabaho siya ngayon."

"Ang totoo niyan sinabi ko sa kaniya na ayos lang sa akin kahit hindi siya maka-punta, basta ba ay huwag ka mawawala dito sa birthday ko."

"Sinabi mo iyon?" Humalakhak siya at hinagkan ako.

"Biro lang, syempre kaibigan ko din iyong Kuya Aldrich mo, kaya masaya nga sana kung nandito din siya."

"Siya nga pala, bakit wala si Lionel dito sa birthday mo? Si Arjin lang iyong nakita ko kanina."

"May inasikaso siya," tugon niya sa akin, napahigab naman ako at humiwalay siya sa pagkakahagkan sa akin.

"Do you want to take a nap?"

"Pwede ba?"

"Here, you can take a nap." Umayos siya ng pagkakaupo, napangiti naman ako at dahan-dahan na humiga sa kaniyang hita.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now