Chapter 3

2.5K 37 3
                                    

Halos matulog ako habang naglalakad dahil hindi na naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Pagdating ko sa aming classroom ay naabutan ko na naglilinis si Alicia.

Nang maibaba ko ang aking bag sa aking silya ay napahigab ako. Matapos kong kusutin ang aking mga mata ay kumuha ako ng basahan at nagtungo sa harapan ng aming classroom kung saan nandoon si Alicia at nagwawalis.

"Morie, ano gagawin mo? Hindi ka naman cleaners ngayon, 'di ba?" Tumango ako.

"Tulungan na kita, tutal ay wala pa iyong iba mo na ka-grupo dito sa paglilinis. Tsaka lahat din naman tayo mapapagalitan kapag dumating si Sir."

"Alam mo naman iyon, kahit kaunti na alikabok ay ayaw. Kapag nagalit si Sir, tiyak na sa labas na naman tayo nitong classroom magkaklase," dagdag ko pa at kapwa kami natawa, ang kaibihan nga lang ay halos pigil ang sa kaniya.

Nag-umpisa na akong magpunas ng bintana habang ang aking paningin ay sa kaniya pa din nakatuon. Alicia's actually my classmates since then, mabait siya, hindi ko nga alam kung bakit hindi kami naging magkaibigan, siguro ay dahil masiyado ako maingay para sa kaniya na tahimik.

Ganoon pa man tuwing tinitingnan ko siya ay tila ba ramdam ko na may pagkakaparehas kami. Sabagay, kung iisipin ko, lahat naman tayo ay pare-pareho. We're all have this silent battles inside our self, perhaps we're just different on how we carry and face it.

May mga tao na kapag tiningnan mo palang na mabuti, mapapansin mo nang may bigat sila na dinadala. Napakadaling basahin ng mga mata at kilos, gumuguhit sa kanilang labi kung ano ba iyong nararamdaman nila, pero may ilan din naman na nagtatago sa maskara, parang ako lang. I was like a rainbow, keep controlling not to show the dark thick clouds that'll bring a rain. Pinipili ko na maging masaya at mukhang matatag dahil ayokong makita ng iba kung gaano ako kahina, ayokong makita nila ang pagtulo ng aking luha.

"Alicia?" Napalingon siya sa akin habang nagwawalis pa din.

"Do you have a bestfriend?" tanong ko, sandali pa siyang natigilan bago umiling. Tumango ako, umangat ang gilid ng aking labi ngunit sa dulo ay ngumiti na lamang sa kaniya.

Gusto ko sana tanungin sa kaniya, kung pwede ko siya maging kaibigan o kaya naman sabihin ko na ng direkta na magkaibigan na kami, pero hindi nga pala ganoon ang pagkakaibigan. It's good when friendship start unexpectedly, when you didn't claim it just because you're alone or you just only want to be in a circle of friends, because a true friendship can be felt by the heart.

"Ay, kabayo!" Natakpan ko ang aking bibig dahil sa aking nasabi. Nagulat kasi ako nang paglingon sa pinupunasan ko ay may tao sa silya sa loob na katapat nitong bintana.

"Anong kabayo ka diyan? Ang aga-aga ang ingay mo." Napakamot ako sa aking sintido, si Alicia naman ay pinipigilan ang kaniyang tawa. Ilang sandali lamang mula sa loob ng classroom ay naglakad na si Dandreb patungo sa pintuan at sumandal doon, tsaka ko lamang napansin na bukas na din pala ang kabilang pintuan nitong classroom at tiyak na doon siya dumaan kaya hindi ko napansin.

"Morie, itatapon ko lang itong basura," pagpapaalam sa akin ni Alicia.

"Ah, sige." Ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa, hindi rin naman kami nagu-usap ni Dandreb dahil bukod sa ayaw ko magsayang na laway sa kaniya ay tutok din naman siya sa kaniyang cellphone na pansin kong iba na naman.

"Ehem! Iyong magkasunod daw na naglalakad ngayon magkakatuluyan." Maya-maya ay napalingon ako sa kaniyang gawi at sinundan ang kaniyang tingin. Dalawa lang naman ngayon ang magkasunod na naglalakad, ang kaniyang pinsan na si Arjin at ang isang babae.

"Pwede rin!" sigaw pabalik ni Arjin, napahalakhak naman itong si Dandreb, habang ako ay napansin ko naman ang simpleng pag-ngiti ng babae. Nang makalampas na ang dalawa sa harap ng aming classroom ay hindi ko kaagad naiwas ang aking mga mata kaya naman nagtama ang paningin namin ni Dandreb.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora