Chapter 17

1.3K 16 0
                                    

Mabilis akong lumabas ng aking kwarto at bumungad sa akin si Tatay na nakaupo sa sahig at nakatulala lamang habang si Kuya ay napapa-sabunot sa kaniyang buhok.

"A-Anong—" Naputol ang aking sasabihin.

"Paano mo nagawa kay Tatay, lahat ng iyon Nanay?"

"Paano, ha?!" Lumapit ako kay Kuya at hinawakan siya sa kaniyang braso.

"Tatay, ano po ba ang nangyayari?" Napalunok ako ng makita ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Tatay."

"P-Patawarin niyo ako anak, n-natukso lang ako." Kunot na ang aking noo ng nilingon ko muli si Nanay.

"Anong po ang ibig mong sabihin?"

"Kaya naman pala kalat na kalat sa baranggay. Alam mo 'Nay, may nagsabi na sa amin e, pero hindi kami naniwala, nagtiwala kami sa iyo!" Napatakip ko sa aking bibig at nag-umpisa na din na umiyak.

"M-Maria? Ganoon na ba ako nagkulang?" Dinaluhan ko si Tatay at yinakap ito, habang si Nanay ay puro paghingi lamang ng tawad ang nagawa.

Akala ko iyon na ang pinakamasakit na gabi na mararanasan ko, ngunit hindi pala. Isang linggo matapos namin matuklasan na nangabit si Nanay, ay nagpakamatay si Tatay. My burdens that I was carrying was already over in a bucket and it's too hurtful when all of this happened.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman habang nagpupuyos sa galit si Kuya at pinapaalis si Nanay sa burol ni Tatay.

"Anak, p-patawarin niyo ako." Nanginig ang aking labi. Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking kabilang pisngi. It feels like I want to be quite forever and don't speak. Kapag kasi nagsasalita ako parang lalo lamang bumubuka ng sugat na itinapal sa aking pagkatao.

"Nagsisisi ako s-sa lahat, anak..." I hated my mother so much for not seeing the poorness of my father as a gold in her life.

"Nanay, p-pasensya ka na dahil hindi ko kaya. H-Hindi ko pa kaya na mapatawad ka." Mapait akong ngumiti, kahit na may hinanakit ako ay hindi ko maiwasan na makaramdam din ng awa dahil siya pa rin ang aming ina. While my heart is mourning, here's the anxiety that there's no even a little mercy, attacking me.

July 2, when Dandreb and his family go back to the province. The next day, I insisted that I'm the one who'll be going to their house, that he doesn't need to pick me up because I don't want to see how miserable I'm in, now.

"Jishanne!" Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap, na tinugunan ko din naman ng higit pa doon, na tila ayaw ko na siyang pakawalan pa, pero ang totoo, masakit man pero kailangan.

"Hmm? No, I miss you coming from you?" He pouted his lips and I just let him hear my laugh that is full of hidden sorrow.

"I miss you!" I said, in a cheerful voice. Hindi mo aakalain na nais ko na lamang siyang yakapin at umasa na kaya niyang patigilin ang mga naglalarong problema sa aking isipan.

"Wait." Kinabahan ako ng pasadahan niya ako ng tingin.

"You looked pale. Nagkasakit ka ba?" Mahina, peke akong tumawa.

Habang nasa biyahe ay panay ang kwento niya sa kung ano ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng isang buwan. Sinabi niya pa sa akin na muntikan na siyang tumakas at umuwi dahil hindi niya na matiis na hindi kami nagkikita.

"Bakit nga pala ng mga pangalawang linggo na ay hindi ka na masiyadong sumasagot sa mga tawag o text ko?" Napalunok ako.

"A-Ano kasi, madalas marami akong ginagawa, minsan naman nawawalan talaga ako ng budget pampa-load."

"Oh, ayos lang kung ganoon." Ngumiti siya sa akin at inihilig ang aking ulo sa kaniyang balikat at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Iyon ang unang hawak niya na naghatid ng matinding kirot sa aking puso, isang piga na alam kung kailagan kong tiisin ang sakit.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now