Chapter 9

1.6K 24 0
                                    

Nilalaro ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng aking labi habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kamay ni Dandreb.

"Sinabi ko naman kasi sa iyo na ako na ang magdraw-drawing, tapos kahit ikaw na iyong magbakat,"

"Tingnan mo, kakabura mo ay mabubutas na ang cartolina." Padabog niya ibinagsak sa lamesa ang lapis at umupo na sa aking tabi, bahagya naman akong dumusog palayo sa kaniya, natatakot ako na magdikit ang aming mga balat at maghumirantado na naman ang aking puso.

"See? Tanggapin mo na kasi na stick man lang ang kaya mo i-drawing," nang-aasar na sabi ko sa kaniya, napatingin naman ako sa kaniyang kanan na kamay na inilagay niya sa ibabaw ng sofa, pakiramdam ko tuloy ay naka-akbay siya sa akin.

"Gusto mo ba iyong mga magaling magdrawing?" Napatitig ako sa kaniya, kunot naman ang noo niya na nag-iwas ng tingin sa akin.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos."

"Sandali lang, ikaw na ang magtuloy niyan. Kukuha lang ako ng meryenda." Habang hinihintay siya bumalik ay ipinagpatuloy ko na nga ang pagdra-drawing, saktong pagbalik niya ay tapos na ako.

Tumabi pa din siya sa akin pagkatapos niyang ibaba sa lamesa ang banana cake at dalawang baso na may laman na juice.

"Here." He gave me a plate with a slice of banana cake.

"Masarap ba?" tanong niya sa akin ng tikman ko iyan, napa-ngiti naman ako at tumango.

"Binili niyo ba 'to o gawa ng parent mo?"

"Yes!" Ngiting tagumpay pa siya, ibinaba ko naman ang platito at sumiim sa may juice.

"Anong yes ka diyan? Binili niyo? Sabagay kakaiba kasi talaga iyong sarap." Ngumisi siya sa akin.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyo na ako ang gumawa niyan?" Tumaas ang aking kilay, hindi ko pa naiwasan na matawa.

"Totoo ba?"

"Oo nga, tanungin mo pa kina Mommy. Talagang pinaghandaan ko ang pagpunta mo dito." Kumindat siya sa akin, nagsimula naman ako muling kumain para lang mai-iwas ko sa kaniya ang aking paningin.

"Ang galing mo naman pala," sabi ko sa kaniya, umayos naman siya ng pagkakaupo.

"Syempre naman, future chef kaya ito!" Habang nasa aking bibig ang tinidor ay napalingon akong muli sa kaniya.

"Pangarap mo maging, chef?" Tumango siya sa akin.

"Wow! That's nice!"

"At saka mo na sabihin iyan sa akin kapag nakapagtayo na ako ng sarili kong restaurant."

"Oo ba, uulitin ko lang naman 'yung sinabi ko." Bahagya ako natawa.

"Ikaw, ano ba pangarap mo?" Napatitig ako sa baso na may laman na juice, naging mahirap para sa akin na tumugon.

I have a lot of dreams and goals in life. Gusto ko na mai-ahon ko muna sa hirap ang pamilya ko, bago ko tuparin iyong mga pangarap na mayroon ako para sa aking sarili, kaya lang madalas nai-isip ko iyong sinasabi ni Nanay tuwing nababanggit sa amin ni Tatay na magsumikap kami, iyon ay hindi ito sapat kung talagang hikahos ka sa buhay, kahit paulit-ulit man daw kasi natin itanggi, pera... Pera ang halos susi sa lahat ng bagay na nais mo makamtan.

"Jishanne." Nilingon ko siya.

"Ah, iyong pangarap ko ba?"

"Tsk! Iniisip mo na naman ba si Kuya Lionel?"

"Hindi ah!"

"So, what's your dream?"

"Gusto ko maging teacher. Gusto ko turuan at tulungan iyong mga bata na hindi kayang abutin iyong mga pangarap nila dahil kapos sila sa pera,"

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora