Chapter 13

1.5K 20 0
                                    

Hindi ako makakagalaw mula sa aking pagkakaupo kung hindi tumayo si Kuya at lumapit sa akin para itulak ako patungo sa kanila na tila kanina pa pala may pagpu-pulong dito.

"Good Morning, Jishanne." Tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo si Dandreb, kinuha ko naman iyon na pagkakataon para hilahin ito hindi masiyadong kalayuan kina Nanay.

"Ano ba ginagawa mo dito? At tsaka ano iyong sinasabi mo?"

"Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?" Sa halip na sagutin ako ng maayos ay tinawanan niya pa ako, pagkatapos ay bumalik na muli sa kung saan siya naka-upo kanina.

"Morie, halika nga dito at may pagu-usapan tayo." Nakamot na lamang ako sa aking sintido nang umupo ako sa gilid ni Nanay.

"This is it!" bulong pa sa akin ni Kuya, kaya naman siniko ko siya sa kaniyang binti.

"Aray!"

"Aldrich, ano ba iyan?" pagsasalita ni Tatay.

"Ano nga ulit iyong sinabi mo kanina ijo? Pwede ba na paki-ulit, para marinig na din nitong si Morie at para makasigurado kami na hindi kami nagkakamali ng dinig."

"Okay po, Tita. Hmm, gusto ko po ligawan si Morie, pagkatapos ay sasagutin niya ako, maga-aral kaming mabuti, tsaka ihaharap ko siya sa altar at bubuo kami ng masayang pamilya." Malaki ang naging awang sa aking labi. Kung abot lamang siya ng aking mga paa ay nasipa ko na siya. Tumikhim si Tatay.

"Planado na hijo ah, kaya mo ba panindigan lahat ng sinabi mo?" Ngumiti si Dandreb, tila wala man lang kahit kaunting kaba na nararamdaman.

"Opo, papatunayan ko po lahat ng iyon."

"Seryoso ka ba sa anak namin?" Napasapo na lamang ako sa aking noo, kung ako ang tatanungin ay ipapatigil ko na ito dahil hiyang-hiya na ako.

"Hindi lang po ako sa kaniya seryoso, pati nadin po sa bawat salita na binibitawan ko." Napa-kagat ako sa aking pang-ibaba na labi, pinipigilan ko ang aking sarili na mapa-ngiti.

"Mabuti naman kung ganoon. Ang gusto lang namin ay maging totoo ka sa anak namin, huwag mo siyang lolokohin at sasaktan."

"Nanay, Tatay itigil na nga po natin ito. Sa pagu-usap na ito parang ikakasal na ako kay Dandreb ah,"

"Ang sabihin mo Morie, nai-ihi ka na sa kilig!" Kumunot ang aking noo at napa-irap na lamang kay Kuya.

"Sabatero ka talaga, Kuya." Nandito na kami sa may gate, pinagmasdan ko siya na maglakad patungo sa kanilang kotse. Ilang sandali lamang ay humarap siya sa aking muli.

"Jishanne." Hindi ako nagsalita, hinintay ko lamang ang susunod niyang sasabihin.

"Seryoso talaga ako sa iyo. Huwag mo muna sana sabihin sa akin kung kaya mo o hindi tugunan ang nararamdaman ko para sa iyo."

"Hayaan mo muna ako na ligawan ka." Ngumiti siya, naglakad muli palapit sa akin at halos mapukpok ko ang aking sarili nang halos mapatili ako nang hawakan niya ang aking kaliwang kamay at dampian iyon ng halik bago siya tuluyang nagpaalam sa akin.

"May kasunod pa ba iyong kalawakan?" bungad sa akin ni Kuya Aldrich.

"Ano na naman ang sasabihin mo, Kuya?"

"Kung mayroon kasi ay abot na hanggang doon ang ngiti mo. Tingnan mo nga sarili mo sa salamin, grabe iyong pamumula mo. Ganiyan ba ang hindi in love kay Dandreb?" Humagalpak siya ng tawa, akmang gagayahin pa ang pagdampi ng halik sa aking kamay ni Dandreb ng suntukin ko siya sa kaniyang braso, pagkatapos ay nagtatakbo na ako papasok sa bahay bago pa niya ako magantihan.

"Dandreb, mauna na ako."

"Morie, bye!" Ngumiti ako at tumango kay Lexie. Sabay naman na kaming lumabas sa classroom ni Dandreb.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now