Chapter 5

1.8K 29 0
                                    

The shades of the sun made me cover my right hand from the upper part of my eyes. Tahimik lang ako habang naglalakad kami papunta sa tindahan ni Dandreb, kung tutuusin ay siya lang naman kasi ang pinabibili, ang kaso bago umalis ay bigla niya na lang ako hinila, naputol tuloy ang pagtitig ko kay Lionel.

"Bakit kunot ang noo mo diyan? Masama ba ang loob mo?"

"Oo. Paano ba naman kasi palagi ka na lang panira ng mood. Kapag kaunti na lang ang distansiya ko kay Lionel ay palagi ka na lang susulpot. Paano na lang ako makaka-puntos niyan hindi ba?" Narinig ko ang mahina niyang pag-asik.

"Hindi ka ba marunong gumalang?" maya-maya ay tanong niya.

"Marunong." Tumawa siya sa aking sinabi, kapwa kami huminto sa paglalakad.

"Sinungaling ka talaga, Jishanne. Kung marunong ka gumalang ay bakit Lionel lang ang tawag mo kay 'insan?" Napalunok ako, nagsimula ng maglakad muli.

"Gusto ko talaga ay Lionel lang, ayoko na parang maging kapatid ko siya." Hindi na siya muling kumibo pa at ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa isang pastry shop.

"Magkano po?" tanong niya sa tindera ng makabili ng kami ng ilang tinapay, kasabay ng paglabas niya ng wallet sa kaniyang bulsa. Iniwas ko ang aking paningin at itinuon mula sa malayo.

"Kayo, ano iyong sa inyo?"

"Isang hopia lang."

"Gusto ko ng tinapay na iyon, sige na Nanay..." Napalingon ako sa sa bata na mangiyak-ngiyak na itinuturo ang isang tinapay na hugis isda sa kaniyang Nanay.

"Wala pa tayong napaglimusan anak, tsaka na lang," mahinang sabi ng babae sa kaniyang anak.

Mas lalong nadurog ang aking puso ng naghati pa sila sa isang hopia na hindi naman kalakihan. It's one of the reason why if I'm going to have a chance to talk with the president or those who's in a highest position I'll grab it. Nais ko na talagang bigyan nila ng pansin ang kahirapan, hindi lang puro kung paano papabanguhin ang kanilang pangalan sa lipunan.

Government is actually consist of more officials with impairment. Mga bulag sa katotohanan, bingi sa mga paghihirap ng maraming populasyon, halos baluktot ang dila sa mga pinangako sa bayan at pilay sa pagsasagawa ng bawat hakbang na maga-ahon sa mamamayan sa putik ng pagdurusa at kahirapan.

"Jishanne, paki-hawak nga sandali." Kinuha ko ang inabot sa akin ni Dandreb, ang akala ko pa ay ito talaga ang balak niya kung bakit niya ako isinama, ngunit unti-unti kong napagtantong marahil mali na naman ko sa aking naisip.

"Hmm, hello. Ito ba gusto mo?" tanong niya sa bata habang itinuturo niya ang hugis isda na tinapay. Mabilis na tumango ang bata habang pinupunasan ang mga luha niya sa pisngi.

"Ate, tatlo nga nito at saka ito pa."

"Nako hijo, nakakahiya naman. Tsaka wala kaming pambayad."

"Ako na po." Katulad ng kaniyang sinabi ay siya na nga ang nagbayad. Bakas naman sa mukha ng bata ang saya nang iabot sa kaniya ni Dandreb ang mga tinapay.

"Salamat po, Kuya!" Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Dandreb, kasabay ng pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi nang yakapin siya ng bata sa kabila ng maruming kasuotan nito.

"Wala iyan! Basta huwag ka pasaway sa Nanay mo ah?" Tumango ang bata at ipinakita pa sa kaniyang Nanay ang mga tinapay. Nakita ko naman kung paano kumuha ng tatlong libo sa kaniyang wallet si Dandreb at hindi ko talaga inaasahan ang sumunod na ginawa niya, kung saan inilagay niya iyon sa palad ng babae.

"Hijo, h-hindi na. Sobra-sobra na ito, tsaka baka kailangan mo iyang pera na iyan," pagtanggi nito.

"Hindi po, mas kailangan niyo po ito." Nag-init ang gilid ng aking mga mata nang makita ko kung gaano kasaya ang mag-ina.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin