Chapter 19

1.3K 18 0
                                    

Sa dalawang linggo ko pa lamang sa mga Villanueva ay naging malapit na sa kanila ang aking loob, mabait din ang nagiging pakikitungo sa akin ng kaibigan ni Denver na si Eduard na kanila namang anak. Nagpupunas naman ako ng lamesa ng marinig ko mula sa aking likod ang boses ng aking babae na amo.

"Hija, may ibibigay nga pala ako." Napalingon ako dito at nagpunas muna ako ng aking mga kamay.

"Ano pa iyon, Ma'am?"

"Ayan ka na naman sa, Ma'am. Tita Dane, na lang hindi ba?" Nai-ilang akong tumawa.

"Oo nga po pala, Tita Dane." Inabot nito sa aking ang isang brown envelope, nagtatanong naman ang aking tingin dito.

"Buksan mo na." Namilog ang aking mga mata ng makita at mabasa ang nasa loob nito.

"Alam ko na hindi naman masiyadong kalakihan iyan, pero sana makatulong." I almost cried. It's a TESDA scholarship and the vocational course they offered.

"Kahit paano kapag nakapag-aral ka sa kung ano iyong mapipili mo sa offer nila ay mas madali ka makakahanap ng trabaho." Napatakip ako sa aking bibig at hindi na napigilan pa na yakapin siya.

"T-Thank you po. Maraming salamat po talaga dito, Tita Dane." Malawak ang ngiti sa aking labi ng bumitaw ako sa aking pagkakayakap sa kaniya. Nagpunas ako ng luha a aking pisngi.

"S-Sorry po, nadala lang." Mahina siyang tumawa at tinapik ako sa ibabaw ng aking balikat.

"No need to thank me. Masaya ako na makatulong sa iyo. At isa pa, kung kailangan may kailangan ka pagdating sa mga gamit o kahit pa sa pera ay huwag ka mahihiya na magsabi sa amin, okay ba?"

"Nako, Ma'am—"

"I mean, Tita Dane, sobra-sobra naman na po ang naibibigay niyo sa akin. Nakakahiya na nga po kasi katulong niyo lang naman po ako."

"Ano ka ba, Morie! Alam mo sa dalawang linggo mo pa lang na pagtra-trabaho dito ay napatunayan ko ng tama ang sinabi ni Denver kay Eduard, mabait ka nga at napaka-sipag mo pa."

"At saka alam mo ba na nasabi niya din sa amin na matalino ka nga daw, kaya naisip ko na sayang naman kung hindi mo magagamit." Napahimas ako sa aking batok.

"After mo mag-aral ng two years vocational course at makapaghanap ka ng trabaho ay pwede mo pa rin tuparin iyong talagang pangarap mo." Tumango ako dito.

"Salamat po talaga, Tita Dane. Malaki pong tulong ito sa akin."

"Wala iyan. Sige, may pupuntahan pa kasi ako. Ikaw na ang bahala dito, mamaya din ay darating na si Eduard."

"Sige po, Tita. Ingat po kayo." Pagkatapos nitong maka-alis ay nayakap ko pa ang brown envelope, kaunti na nga lang ay halos maglulundag pa ako. Ilang sandali lamang din ay dumating na si Eduard.

"Good Morning, Sir!" pagbati ko dito, pinagtaasan niya naman ako ng kaniyang kaliwang kilay.

"Sir?"

"Eduard, pala." Natawa siya at naglakad palapit sa akin, tsaka ko pa lang napansin ang hawak niya na aso.

"Binili ko nga pala, cute ba?" Hinawakan ko ang ulo ng poodle na aso.

"Oo ang cute niya. Para sa iyo ba iyan o ibibigay mo sa girlfriend mo?" Umupo siya sa may sofa na nasa aking bandang gilid.

"Anong girlfriend ka diyan? Para sa iyo 'to."

"Ha? Para sa akin?" Tumango siya at inabot sa akin ang aso.

"Eduard, hindi ko matatanggap iyan. Alam ko naman mahal din iyong ganiyang mga aso."

"Huwag mo na isipin kung gaano kamahal, at saka binili ko talaga ito para sa iyo. Alam mo ba na nakakatanggal iyong mga aso ng stressed kapag kina-kalaro mo sila." Naging sang-ayon naman ako sa kaniyang sinabi, ngunit tumanggi pa din ako.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon