Chapter 23

1.4K 26 1
                                    

Pinunasan ko ang butil ng pawis sa aking noo at naglakad patungo sa susunod na lamesa na aking nililinis.

"Morie?" Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa hindi kalayuan na lamesa kung saan nandoon si Ron at Jay. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para batiin sila ng makita ko na lumabas ng kaniyang opisina si Dandreb ag naglakad patungo sa kanila.

"Wow! Pare, aware ka ba na nagtra-trabaho dito sa mismong restaurant mo si Morie?" Inalis ko sa kanilang gawi ang aking paningin at nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa.

"Ano ka ba naman Ron, sigurado ako na alam nitong si Dandreb, baka nga hindi niya pa nababasa iyong resume ni Morie, ay nasa hired na agad siya." Tumawa si Ron, nanatili naman ako na hindi naga-angat ng aking tingin.

"Itahimik niyo nga iyong bibig niyo,"

"Sandali nga, may nalimutan akong kunin sa office," rinig kong sabi ni Dandreb, maya-maya lamang ay naramdaman ko ang pagdaan niya mula sa aking gilid.

"Psst, Morie!" Narinig ko muli ang pagtawag ng dalawa. Nilingon ko ang opisina na Dandreb bago lumapit sa kanila.

"Grabe, ang lalaki na ng katawan niyo ah!" Parehas silang tumawa.

"Syempre naman, paano kami hindi tataba, tuwing pupunta kami dito, kahit marami kaming kainin ay libre." Nag-apir pa silang dalawa.

"Ang sarap naman pala ng buhay niyong dalawa. Kamusta ba ang buhay?"

"Ito, parehas na kaming may asawa. Nakapagtapos naman kami ng IT, ang kaso tamad lang talaga humanap ng trabaho." Bahagya naman namilog sa kanila ang aking mga mata.

"Buhay may asawa na pala kayo? In fairness ah, hindi halata." Kapwa nanliit naman ang kanilang mga mata, hindi ko tuloy na iwasan na mapatawa.

"Ikaw, may asawa na ba o hinihintay mo pa magpropose si Dandreb?" Napahimas ako sa aking sintido, pinilit ko na matawa. May naisip naman na akong itugon sa kanilang katanungan ng marinig ko na ang boses ni Dandreb mula sa aking likod.

"Your job is not to entertain this two that's not even pay for their foods." Napansin ko ang pagpipigil ng dalawa ng kanilang tawa.

"Go back to your work, Ms. Guevarra."

"Sungit-sungitan lang, Dandreb?" Humalakhak ang dalawa, nakita ko ang pagsasalubong ng kilay ni Dandreb, napalunok naman ako at nagpasya ng iwan sila.

"Sorry po-" Halos mapamura pa ako, ang akala ko ay tuluyan na akong madudulas kung hindi ko lamang naramdaman ang kamay ni Dandreb na mariin ang hawak sa aking bewang. Nagtama ang aming paningin ngunit nag-iwas siya ng tingin at dahan-dahan akong itinayo ng maayos.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..." pagkanta ni Ron. Nag-init naman ang aking magkabilang pisngi.

"Comeback na ba ito ng Rara couple?" si Jay naman ng nagsalita.

"Baliw ka naman, p're! Hindi naman naging sila."

"Shut up!" mahina ngunit may diin na sambit ni Dandreb, napasulyap ako sa kaniya at nakita ko lamang ang malamig na tingin niya sa dalawa. Tumikhim ako, tila sa isang iglap lamang ay bigla nawala ang kaunting saya na aking nararamdaman.

"S-Sige, Ron at Jay, balik na ako sa trabaho." Ngumiti sila sa akin at tumango.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng campus ni Flora. Nilingon ko naman siya mula sa aking gilid ng kalabitan niya ako.

"Wala ka ba ibabalita sa akin?"

"Tungkol saan naman?" Nagtataka na tanong ko sa kaniya.

"About something fishy between you and Sir. Dandreb?" Humagikgik siya. Hindi ako nakakibo.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now