Chapter 2

3K 39 2
                                    

Lumawak ang aking ngiti ng hindi pa ako masiyadong nakakalapit sa Senior High School building ay natanaw ko na sa harap ng kanilang classroom si Lionel. I was about to call him when my brother's body bumped in front of me.

"Nandito ka na naman? Sabihin mo nga sa akin kung nabubusog ka sa tuwing nasisilayan mo iyong si Lionel." Napa-ngiwi ako at humalukipkip.

"Hindi, pero kung gusto mo na mabusog ako pahingi akong pera." Inilahad ko ang kanan na palad ko, ngunit tinampal niya lamang ito.

"Aray! Ang bigat ng kamay mo e!" Nang tanawin ko kung nasaan si Lionel ay wala na ito doon kaya naman matalim na ang aking tingin ng bumaling akong muli kay Kuya.

"Tingnan mo, nawala na tuloy." Umirap ako.

"Alam mo, may kasalanan ka pa sa akin, dahil sa iyo ay naharang na naman ako kanina ng guard dahil nalimutan ko ang I.D ko." Humalakhak siya, itinuro ang sarili.

"Kasalanan ko? Ikaw na ang nagsabi na nakalimutan mo. Tanggapin mo na lang na ulyanin ka na, Morie." Pinitik niya ang aking noo, pagkatapos ay nagmamadali na akong nilampasan.

Pagbalik ko sa classroom ay bumungad sa akin ang mga silya na nakapa-ikot sa gawi nina Dandreb, doon ay magkakasama silang kumakain.

"Morie, tapos ka na mag-recess?" Napatingin ako sa kumpol ng mga mamahalin na pagkain sa desk ng kanilang silya.

"Oo naman!" sagot ko at dumiretso na sa aking upuan, pagkatapos ay inabala ko na lang ang aking sarili sa pagle-lettering sa likod ng aking notebook.

Napatitig ako sa pangalan ni Lionel, na aking isinusulat, kasabay ng tahimik na pagkulo ng aking tiyan. I always think that if you're rich, everything's seems so easy for you, tila lahat kaya mong gawin, lahat ng gustuhin mo kaya mong bilhin. It's one of the reason why I love looking forward for the day that I already have a job. Gusto ko makatulong sa aking pamilya, ang matupad ang ninanais ko para sa aking sarili. Siguro kapag mayaman na ako ay hindi na ako sobrang mahihirapan para lang mapasa-kamay ko ang aking ninanais.

"Jishanne." Mula sa payapa na pagtibok ay kumalabog ang aking puso ng marinig ang pagtawag sa aking unang pangalan ng isang pamilyar na boses. Sadyang hindi lang talaga ako sanay na sina-sambit niya ang aking pangalan, lalo na at madalang lang ito mangyari, dahil sa hindi rin naman kami close dalawa.

Nang mag-angat ako ng aking ulo ay tumama ang aking paningin kay Dandreb, na nasa pintuan ng aming classroom at sa gilid niya ay si Kuya.

"Tawag ka ng Kuya, mo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa kanila.

"Kuya, ano na—" Napahinto ako sa aking pagsasalita na ipinakita niya ang Chuckie na hawak sa kaniyang kaliwang kamay, habang sa kanan naman ay isang chocolate loaf bread. Hindi ko maiwasan na mapa-ngiti ng tanggapin ko iyon.

"Muntik na akong mabingi sa ugong ng tiyan mo kanina." Napakagat ako sa aking pang-ibaba na labi at pabiro siyang siniko.

"Talagang nagparinig sa iyo!" Tumawa ako, saktong pagtama ng aking paningin kay Dandreb, na hanggang ngayon ay nasa gilid ko pa pala.

"Liar," bulong niya at iniwas ang tingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Narinig ko 'yon." Lumingon siyang muli sa akin.

"Mabuti at narinig mo."

"I'm not a liar." Umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"Really, huh? Ang sabi mo kanina ay tapos ka na mag-recess." Naitikom ko ang aking bibig, mabuti na lamang ay may naisip pa din ako na sabihin.

"Oo nga, busog naman na talaga ako dahil nakita ko si Lionel." Naging malapad ang aking pag-ngiti.

"What a rude, woman." I rolled my eyes, I can't believe that we're having a long conversation now. Nilingon ko si Kuya na naka-ngising nag-angat ng kaniyang kaliwang kilay sa akin.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu