Chapter 16

1.3K 19 0
                                    

Ang akala ko ay tapos na ang labis na kasiyahan ko para sa gabing ito, ngunit sa pag-alis ni Tatay ay ang pagdating naman ni Dandreb na may hawak na kumpol ng mga pulang rosas.

"Here's the other 17 roses for the beautiful girl in front of me." Napa-kagat ako sa aking pang-ibaba na labi, matapos ko iyon tanggapin ay tumalikod ako mula sa kaniya.

"Nakaka-asar naman. Mahilig nga pala talaga kayong mga lalaki magpa-iyak." Narinig ko ang kaniyang mahinang paghalakhak at hinarap niya na ako sa kaniya.

"Stop crying, so you'll see this." Namatay ang mga ilaw sa paligid, inamin ko na bigla akong natakot ngunit nawala iyon ng mula sa hawak na garapon ni Dandreb ay unti-unting lumaya ang mga gamo-gamo. Kinuha niya ang mga rosas sa akin at ibinaba iyon sa papag na narito.

"A-Ang ganda." Napatingin ako sa kaniya nang magsimula muling tumugtog ang isang kanta.

"May I have this dance?" Napa-ngiti ako at mabilis na tumango sa kaniya.

I'm still amazed from the fireflies that's like a broken streetlights, but then when I heard his voice with the rhythm of cold breeze that causing my heart to flutters, when I turned my attention at him, I decided not to search any twinkle came from the fireflies or from the stars on the night sky, because I already found it on his eyes, where I saw my love for me.

Now, we're both lying from the bed made with bamboo trees with a little distance between us. This moment feels so sweet, it's too good to be with the man you love under the scintillating stars in the dark sky. I just think that maybe it'll be almost like a fairytale, when my mind doesn't tangle by millions of thoughts that's not even connected to the beats of my heart.

"Dandreb, thank you for making me so happy today." Napalingon siya sa akin at nagtama ang aming paningin.

"Thank you for the joy you brought in my life everyday." Ngumiti siya sa akin at sabay din kami muling tumingin sa madalas na misteryosong kalangitan.

"Anything, for the girl I love."

"Dandreb?" I whispered his name as I think that his life is the irony of mine.

"I really appreciate your effort,"

"Pero sana huwag mo ako masiyadong mahalin."

"Why, saying that?"

"Huwag mo masiyadong ibigay ang lahat sa akin, dahil baka maubos ka, na baka wala ng matira sa sarili mo." Mula sa pagkakahiga ay napa-upo siya, na kalaunan ay ginawa ko din.

"Loving doesn't have any limitation, Jishanne. Mamahalin kita, kahit na maubos man ako." His eyes twinkled and it lightened my silent noise paths but it's just painful for me to think that I might hurt this man I'm with now, one day.

"Mamahalin kita, kahit na walang matira sa akin." His fingers gently rolled in my cheeks, as he pulled me closer to him and made the universe be the witness in our first kiss. And I did my best, for this day March 20, to have a space in my mind and protect it from the battles I have, forever.

It's Sunday, Dandreb and I was here inside our house living room, having a review for our last quarterly exam. Dalawang oras na simula ng dumating siya dito ngunit sa notebook ko lang ako nakatingin, nahihiya kasi ako dahil sa nangyari kagabi, ni hindi nga rin ako agad nakatulog, paulit-ulit ko lamang ina-alala ang dampi ng kaniyang labi sa akin, pagkatapos ay parang tanga na mag-isang nangi-ngiti.

"Jishanne, ikaw nga ang magreview sa akin."

"K-Kaya mo na yan." Hindi ako nag-angat ng tingin ng tumugon ako sa kaniya.

"Ako na lang magre-review sa iyo." Binuklat ko ang panibagong pahina ng aking notebook.

"Maya-maya na lang, w-wala pa kasi kong nare-review." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya sa paga-akala na nakatuon sa kaniyang nire-review ang kaniyang tingin, ngunit sa akin pala, habang ang kaniyang kaliwang kamay ay nakapatong sa silya na nasa kaniyang bandang likod.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang