Chapter 21

1.4K 20 0
                                    

It's my internship when I met a girl named Flora. Mabilis ko siya nakagaanan ng loob dahil katulad ko ay ulila na din siya sa kaniyang ama at nagustuhan ko ang isinusulong niya na adbokasiya para sa karapatan na mabuhay ng malaya at walang humuhusga ng bawat kababaihan.

"Malayo-layo pa iyong, Jaen. Matutulog muna ako," sabi niya, ngunit bago mailagay ang kaniyang ulo sa aking balikat ay nagsalita siyang muli.

"Hindi ba nasabi mo sa akin na naghahanap ka ng trabaho?" Tumango ako sa kaniya.

"Tapos, graduate ka ng Culinary Arts sa TESDA, hindi ba?"

"Oo, bakit may alam ka ba na trabaho na pwede kong pasukan."

"Hiring ngayon iyong restaurant na pinagtra-trabahuhan ko, naghahanap sila ng limang applikante na flexible ang galawan."

"Flexible?"

"Oo, flexible. Ibig sabihin pwede ka as a dishwasher, pwede ka din doon sa counter taga-deliver ng order ng customer sa kada-table, pero kung hindi ka sanay sa ganoon, pwede din naman na sa kusina ka na lang, minsan pwede ka tumulong sa vegetables and fruit craving. Basta, flexible dapat!" Matapos ng mahaba niya na paliwanag ay tumawa siya.

"Malapit ka Sta.Cruz hindi ba?" Tumango ako sa kaniya.

"Doon, malapit lang iyong pinagtra-trabahuhan."

"Interesado ako! Ano ba iyong mga kailangan?"

"Wait, I have a screenshot of the applicant requirements. Okay lang ba kung isend ko na lang sa iyo."

"Oh, sure!" At aka pa lang siya umidlip ng maipasa niya na sa akin ang mga dapat na ipasa sa paga-apply.

Araw ng Sabado ay maaga akong gumising at naghanda. Bago lumabas ng aking kwarto ay sinigurado ko na kumpleto ang nga nadala ko na requirements.

"Morie, saan punta mo? Bakit naka-formal ka? Mayroon ka ba pasok ngayon?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Kuya Aldrich.

"Wala, Kuya. Maga-apply ako sa isang restaurant sa Sta.Cruz, nasabi kasi sa akin ni Flora na hiring daw iyon."

"Trabaho na naman? Ang sabi ko naman sa iyo ay ako na ang bahala hindi ba?" Mahina akong natawa at pinasadahan na muli ng suklay ang aking buhok.

"Oo nga, pero syempre iba pa rin talaga Kuya, kapag alam ko na hindi lang puro ikaw ang gumagawa, gusto ko din makatulong sa iyo." Napa-buntong hininga siya ng malalim.

"Sige na, Kuya! Aalis na ako at baka ma-late ako." Nagpaalam na ako sa kaniya at naglakad na patungo sa sakayan ng tricycle.

"Morie, mag-ingat ka!" Napa-ngiti naman ako sa pahabol niya.

I looked at my wrist watch. It's not bad, I arrived here at exactly 9:00 pm. Napatingin ako sa pinaka-itaas at binasa ang nakaukit doon.

"Waiting Café?"

"Good Morning, Ma'am. One of the applicant?" Napatingin ako sa isang babae na sinalubong ako.

"Ah, yes. Pwede na ba pumasok sa loob?"

"Yes, Ma'am! Welcome!" Ngumiti ako at pumasok na sa loob. Hindi ko naman maiwasan na mamangha dahil sa lahat ng restaurant kung saan ako nagtrabaho, hamak na mas malaki ito at magaan sa pakiramdam ang paligid.

Nagpaalam naman sa akin ang babae na sumalubong sa akin, dahil tumunog ang telepono na nakapatong sa gilid ng cashier counter.

"Yes, Sir! Oh, okay po. Nandito na din po pala siya." Sabay kaming napatingin sa babae na kakapasok lamang, halos mahulog naman ako sa aking kinau-upaan ng makita na si Lexie iyon.

Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon