BRYAN'S POV
Ding . Dong . Ding . Dong .
Pangalawang doorbell ko na 'to , pero wala pa din nagbubukas . Siguro tulog pa sila . 6AM pa lang kasi ." Sino ba yan? Ang aga-aga pa oh! " sigaw nung tao sa loob .
Boses pa lang kilala ko na .
" Goodmorning Caroline . " masigla kong bati . Siya naman sumimangot .
" Ang ganda ng araw ngayon Caroline , wag kang sumimangot . " naka-ngiting sabi ko .
Hindi nga siya sumimangot pero sinamaan naman niya ko ng tingin . Haha! Badtrip ata? Naistorbo ko yung tulog eh .
" Pumasok ka . " utos niya sakin , na agad ko din namang sinunod .
" Bakit ka ba andito ng ganito ka-aga? At ano yang dala mo? " nginuso niya yung mga dala ko na pinatong ko sa center table nila sa sala .
" Hmm , breakfast yan para sa atin . "
" Sa atin? " taas kilay na tanong niya . " Wag mong sabihin na andito ka lang dahil gusto mo ng kasabay mag breakfast? " dagdag niya .
Haha! Gusto kong matawa . Halata kasi sa mukha ni Caroline na bad trip siya .
" Parang ganun na nga . Pero kung ayaw mo mag breakfast , edi kami na lang ni Baby . " I grin .
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko .
" Baby? " taas kilay na tanong niya .
CAROLINE'S POV
Baby?
The heck! Hindi bagay na tawagin na ganun si Steph' . Haha!
Hindi na ko nag-abala na kumatok , basta ko na lang binuksan yung pinto ng room niya .
" Sleeping beauty gumising ka na . Andiyan yung Prince Charming mo sa baba . " inalog-alog ko yung balikat niya para magising talaga siya .
" Hmm .. "
" Gumising ka na diyan . May naghihintay sayo sa baba . "
" Sabihin mo bumalik na lang mamaya . PUYAT ako! " nag takip siya ng unan sa mukha .
" Andiyan yung BOYFRIEND mo sa baba . " natatawang sabi ko .
Hahaha! Naalala ko nanaman kasi yung kwento ni Bryan tungkol sa pag sagot sa kanya ni Steph . Ang EPIC FAIL lang ^___^ . Haha! Kaya pala medyo badtrip si Steph kagabi nung pumasok ako sa room niya para mag goodnight .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)