CAROLINE'S POV
Back to School na . Stress nanaman araw-araw =____= .
Papunta ko sa locker ko ngayon . Nauna kong pumasok kila Stephanie at Sunny kasi iba yung schedule ko sa kanila .
Pagbukas ko ng locker ko may nalaglag na paper .
Caroline ,
You're really beautiful and talented . I admire you .
Eh? Sino naman ang naglagay ng note na 'to sa locker ko ?
Hayaan ko na nga kasi pag inintindi ko pa , male'late na ko .
Tumakbo na ko papasok sa classroom ko . Ayokong ma'late! First day na first day eh .
" Hi Caroline . " bati sakin ng classmate kong lalaki .
" Hello Kevin . " binati ko din siya at ngumiti . Kilala ko siya dahil classmate ko din siya last sem
" So how's sembreak? "
" Ayos naman . Ikaw ba? "
" Okay lang din . Masaya naman . " ngumiti siya . " Anyway , napanood kita kumanta sa ***** Bar ah? Ang galing mong kumanta . " dagdag niya
" Oh? Napanood mo ko? Bakit di ka nagpakita sakin? "
" Kasi after ng set mo nagyaya na umalis yung mga kasama ko . Sayang nga eh , gusto ko pa naman magpa'autograph . " biro niya
" Tse! Di naman ako sikat . " natatawang sabi ko .
" Hahaha! " tumawa lang siya ng tumawa na akala mo eh wala ng bukas .
- - - -
Natapos na yung klase namin . Wala naman masyadong ginawa dahil first day nga .
Papunta ko ngayon sa locker ko , lalagay ko yung ibang gamit ko . Diretso na kasi ako sa Bar , hapon na din naman .
Nagulat ako ng mabuksan ko yung locker ko .
" Bakit may ganito dito? " pabulong kong sabi
May chocolates at isang red rose sa loob . Sino naman kaya ang naglagay nito? Paano niya nabuksan ang locker ko? Bakit niya ko binigyan ng ganito? Wala man lang note o kung ano man .
Lumingon ako sa paligid baka sakaling may makita ako na tao na pwedeng pag tanungan . Kaso naman wala eh . Ako lang =____= .
ANDREW'S POV
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)