JOSHUA'S POV
" Edi okay . Wala na kong iisipin ngayon . " sabi ko kay Babe . Andito kami sa open field ng University at kinu-kwento niya nga na wala na si Gab . Pumunta na daw sa Korea .
" Ang sama ng ugali mo! " she hissed .
" Bakit? Anong masama sa sinabi ko? "
Wala naman di ba? Okay naman talaga na wala yun , para naman walang asungot sa buhay ko .
" Tss . Ewan ko sayo . " iling-iling na sabi niya .
" Sungit mo ngayon Babe . Meron ka ba? "
She glared at me . Haha! Meron nga siguro .
" Wag ka na masungit ngayon Babe . May date pa naman tayo mamaya . "
" Date? "
" Yep . After class mo . " una kasi ako matatapos klase ko sa kanya .
" Bakit biglaan? Wala naman tayong napag-usapan eh . "
" Di na ba pwedeng mag date ng walang plano? " I ask smiling .
" Pwede syempre . " she giggled .
* SMACK *
" Hoy ha! Nag nakaw ka nanaman ng kiss . Hmp . " hinampas niya ko ng mahina sa braso .
" Haha! Ang cute mo kasi Babe . Di ko na napigilan . "
" Tse . Ewan ko talaga sayo! Umalis ka na . Late ka na oh . "
Oo nga pala may pasok na ko . Break niya kasi eh .
" Sige . Pasok muna ko Babe . Basta yung date natin mamaya . I love you . " kiniss ko siya sa cheeks .
" Bye . I love you too . "
ANDREW'S POV
Lately talaga tina-tamad na ko pumasok eh . Kung di lang talaga kailangan di na ko papasok .Wala rin naman kwenta , dahil laging occupied ang utak ko .
Ini-isip ko kung paano ko sasabihin kay Caroline ng hindi siya magagalit . Sobrang bait yun pero sobrang taas din ng pride .
Hayy ..
" Akala mo naman kung sino . Malandi naman . " girl 1
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)