CAROLINE'S POVMaaga akong nagising dahil may shoot ako ngayon . Kailangan ko pang mag ayos ng gamit , dahil kagabi hindi ko nagawa yun .
Hanggang ngayon , ini isip ko pa din kung ano ba talagang nangyari kay Sunny at Josh .
I mean anong pinag awayan nila? At bakit din ganoon na lang maka-kilos si Sunny .
Bzzt . Bzzt . Bzzt .
Napa tingin ako sa bedside table ko dahil sa pag vi-vibrate ng phone ko .
Tinignan ko yung screen at nakita ko na natawag si Andrew .
" Hi . Goodmorning . " I greeted .
[ Hon , Goodmorning . ] masayang bati niya .
" Aga mo ata nagising? "
[ Susunduin kita ngayon para ihatid sa shoot mo . ] humikab siya pagkatapos niyang magsalita .
" Hindi na naman kailangan . Kaya k -------- "
[ No . I insist . Mag ayos ka na po . Wag ka na mag breakfast , sa labas na lang tayo kakain . ] sunod-sunod niyang sabi .
" Andrew , hindi k ---------- "
[ Sundin mo na lang sina-sabi ko Hon . Bye na po . I love you so much . ] binaba na niya yung tawag .
Hindi man lang ako pina-salita eh . Napailing na lang ako at sinunod ang sinabi niya .
" Kumanan ka diyan . " tinuro ko yung kanto . Nagda-drive na siya papunta sa location ng shoot ko . Nag breakfast na din kami sa isang fastfood chain kanina .
" Bakit ang layo ata ngayon ng location? " tanong niya . Medyo malayo naman talaga yung location ngayon , out of town .
" Related sa Nature Promotion ang theme eh . " nag smile ako at tumango naman siya .
Nang dumating kami sa shoot , binaba ni Andrew yung mga gamit ko . Hindi naman masyadong madami at mabigat ang mga iyon .
" Salamat Hon . " hinalikan ko siya sa cheeks .
" Welcome po . "
Inilagay ni Andrew sa table yung mga gamit ko . Since nasa parang garden kaming , walang dressing room , pero naglagay naman ng alternative na bihisan .
" Hon , baka maininp ka . Wag mo na kong hintayin . "