STEPHANIE'S POV
" Anong pakulo ‘to? " inis na sabi ko . Nakaka-init ng ulo ah!
" Grabe ka naman . Para sayo ‘to . This our surprise! " masayang sabi ni Sunny
" Surprise? Seryoso kayo? " ako
" Oo naman . Haha! Wala naman masama dito diba? "
Tama ba ang narinig ko? Wala daw masama dito?
" Ayoko nito! Umuwi na tayo ! " aya ko
" OA mo ‘te! Ano naman masama sa dating search game? Try mo lang . Malay mo , soulmate mo yung mapili mo . Oh di ba , bongga? " Caroline giggled
Yun na nga ang masama eh . Di ako nakikipag date!
" Edi ikaw na lang . Mukha naman gustong-gusto mo eh . "
" Naku! Kung pwede lang . " Caroline
" Try mo lang Steph , wala naman mawawala eh . "Sunny
" Ayoko! Kayo na lang , if you want . "
" Di ako pwede . May BF na ko . " Sunny
Tumingin ako kay Caroline .
" Ooppss . Ayoko na pala . Haha! Try mo na , wala naman mawawala . " Caroline
Hayy . Kung sabagay , wala naman talaga .
Experienca na din .
" Sige . Fine! "
" Yehey! " nagtatalon yung dalawa sa tuwa .
Pinaliwag samin nung parang host kung paano ang flow nitong searching date game na ‘to .
Rule : May tatlong contestant sa likod ng stage , so di ko sila nakikita . Di ko din alam ang name nila kasi , ang tawag lang eh ; Mr. 1 , Mr. 2 at Mr. 3 . May itatanong sa kanila yung host then sa sagot nila ako mag be’base . Di ko sasabihin kung sino ang napili ko bawat question/round, isusulat ko lang daw sa parang score sheet . Ngayon kung sino yung pinaka’maraming name na nag appear sa so called ‘score sheet’ ko daw , siya ang winner . At ang makaka’date ko .
" Oh? Ano ready ka na? " Sunny . Naka-upo sila sa tabi ko . Nasa gitna kasi ako .
Tumango lang ako sa a sign na ready na ko.
" Pwede na po tayo mag start . Ready na yung na po yung mga boys sa likod . " sabi nung host . Actually 7 lang kami dito sa loob ng parang function room na 'to .