BRYAN'S POV" Anak ng tokwa oh! Kanina pa ko daldal ng daldal dito , pero parang hindi ka naman nakikinig . " binato ko ng pebbles na naka-display sa sala ko si Josh . Peste eh!
Kinu'kwento ko kasi yung nangyari kagabi . Yung about sa dinner . Proud ako eh!
:D
" Ano ba yun? " kumunot yung noo niya . Psh . Di nga talaga nakikinig .
" Wala . " ininom ko yung Juice in can na para sa kanya dapat . Andito kasi siya sa Condo ko . " Ano bang problema? Nag-away kayo? "
Sinamaan niya ko ng tingin . Psh .
" Asa naman na mag-aaway kami . " inis na sabi niya .
" Eh bakit ganyan ka? " asar na tanong ko . Ang dami pa kasing paligoy-ligoy eh .
" Si Sunny kasi eh . "
Hinintay ko lang siya na ituloy yung sasabihin niya .
" Nag dinner kami kagabi sa Condo ko . "
" Tapos? " ang bagal kasi niya mag kwento . Nakaka-inip!
" Pagka-tapos namin mag dinner . Naglinis siya at pagka-tapos nun , natulog na siya . " napa-sabunot siya sa buhok niya bago nagsalita ulit . " Naiinis ako! Bakit kasi natulog siya agad? Gus ------ "
" Hahahaha! " Di ko napigilan ang mapa-tawa ng malakas .
" Anong nakaka-tawa? " inis na tanong niya .
" Ikaw . " tinuro ko pa siya . " Nainis ka kagabi? " tumango siya . " Kasi tinulugan ka niya? " naka-ngising tanong ko .
" Oo , yun na nga! Nakaka-asar di ba?! Kasi h------ "
" .. Hindi ka man lang naka-score! " natatawang sabi ko . Hahaha .
Tignan mo 'tong kaibigan ko . Naasar kas --'
" Aray ha! " reklamo ko . Binatukan niya kasi ako .
" Sira ulo ka! Kung ano-anong sina-sabi mo . Score-score ka diyan! " akmang babatukan niya ko .
" Eh ano ba? "
" Psh . Palibhasa gina-gaya mo ko sayo . " mayabang na sabi niya .
Ako pa daw? Haha . Patawa lang? Eh siya nga 'tong babaero samin dati .
" Psh . "
" Hindi naman kasi dahil sa hindi ako naka-score ang kinaka-asar ko . Iba kasi! " gigil na sabi niya . " At never pa kaming nag-ano .. "
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)