CAROLINE'S POV
" Hi . Goodmorning . Andiyan po ba si Andrew? " tanong ko sa maid na nag bukas sakin ng gate .
I was so worried kaya naman pumunta na ko dito sa bahay niya . Kahapon pa siya hindi nag te'text sakin at hindi niya rin sina-sagot ang tawag ko . Which is very unusual.
" Sino po ba sila? "
" Ahm . Si Caroline , girlfriend niya po . "
Agad naman akong pina-pasok ng maid sa loob ng bahay . Actually its my first time here . Alam ko lang yung address dahil tinanong ko kay Bryan .
" Kung gusto niyo po Mam , akyat na lang kayo sa taas . Second door po yung room niya , left side . " tulog pa daw kasi si Andrew .
" Thankyou . " umakyat ako agad at hinanap ko yung kwarto niya . Meron apat na kwarto sa tass . Malaki rin ang bahay ni Andrew . He lives here alone .
knock . knock .
" Andrew? " tawag ko sa labas ng pinto niya . Baka kasi gising na siya , nakaka-hiya naman kung bigla-bigla akong papasok .
" Andrew? " I called him again . Tulog pa ata siya .
Pinihit ko yung door knob , hindi naka-lock .
" Andrew , papasok na ko ah? "
Pagka-pasok nakita ko siya naka-higa sa kama niya at tulog pa . Lumapit ako sa kanya at pinag masdan siya sandali . Past lunch na pero , bakit hanggang ngayon tulog pa din siya?
" Honey . " inalog ko siya ng kaunti para magisng .
" Hmmm .. "
" Wake up . "
Tulog pa din siya . Amoy alak siya , nag-inom siya kagabi .
" Honey , gising na . " inalog ko ulit siya .
" Hmm? " minulat niya yung isa niyang mata .
" Tanghali na gumising ka na . " this time dalawang mata na yung naka-mulat .
" Bakit ka andito? " tanong niya sakin habang naka-hawak sa ulo niya .
" Kasi , I was so worried . Hindi ka nagte-text at hindi mo rin sina-sagot ang tawag ko , so I decided to go here and check if you're okay . "
" Anong oras na ba? "
" 12:30 na . "
Tumango siya at hinilot yung ulo niya . Siguro madami siyang nainom kagabi .
" Madami ka bang nainom kagabi? "
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)