SUNNY'S POV
" Stephanie , gising na! "
Ano ba yan , kanina pa namin siya gini'gising pero ang tibay niya!
" Maaga pa . Pwede ba mamaya na? " sabi niya habang naka'pikit pa .
" Steph , birthday mo ngayon! Gumising ka na . "
" Ano naman kung Birthday ko? Ordinary day lang 'to para sakin . " sabi niya habang tinakpan yung mukha niya ng kumot .
Ganito na lang siya palagi tuwing Birthday niya . Pero ngayon , hindi pwede kailangan niya gumising .
" Hindi pwede . Bangon! " sabi ni Caroline , sabay hila sa kumot .
" Nakaka-inis naman! Ano bang meron? " sa wakas gising na siya . Umupo lang siya sa kama niya , habang kinu-kusot pa yung mata .
" Hello? Birthday mo lang naman ngayon *roll eyes* " ako
" So? Ano naman? Di pa ba kayo sanay? (~_____~) "
" Tss . Dami mong sina'sabi . " lumapit si Caroline kay Steph . " Tumayo ka diyan . Maligo ko at magbihis ka ng maganda. " sabi niya habang hini'hila si Stephanie.
" At bakit naman ako magbibihis ng maganda? Porket Birthday ko , magbibihis na ng maganda?" naka-cross amrs na sabi niya
" Sumunod ka na nga lang . Pwede? " sabi ko gamit ang inis na tono . Kasi naman ang daldal eh .
" Fine . Pero after nito sana manahimik na kayo! " pumasok siya sa banyo at padabog na sinara ang pinto .
" Susunod din pala , dami pang sina-sabi . " Caroline
" Haha . Oh ano? Ayos na daw ba lahat? " pag iiba ko sa usapan .
" Oo daw . Tayo na nga lang daw hini'hintay eh . "
Tumango lang ako .
Sana talaga , hindi 'to palpak . Naku! kapag palpak 'to , ewan ko na lang .
JOSHUA'S POV
" Ayoko! Asa ka naman na gagawin ko yun . " pagmamatigas ko .
" Maawa ka naman kay Bry' , maki-cooperate ka na . " sabi sakin ni Andrew
" A-Y-O-K-O nga sabi . Wag niyo ko idamay sa kalokohan niyo . "
Psh . Dahil sa pakulo ng Bryan na 'to , wala ng time sakin si Babe tapos ngayon idadamay niya pa ko . Tss!
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)