CAROLINE'S POV
Kapag nakita ko mamaya yang Joshua na yan , humanda yan sakin . Akala niya hindi nakaka'pressure ang pinapa'gawa niya ." Caroline , ano ready ka na ba ? " Sunny
" Hindi pa . Ikaw ba ? "
Naloloka na ko . Nag aayos kasi ako ng gamit at damit ngayon , dahil aalis kami . Pupunta kami sa rest house nila Joshua , dahil bukas dun daw ice'celebrate ang birthday ni Andrew .
Naku . Kung di lang talaga si Andrew ang may birthday di ako sasama sa lakad na 'to >.<
" Tapos na kami ni Steph , alam mo naman kami laging ready . Haha . " sagot ni Sunny
Psh . Palibhasa laging may mga naka'impake na damit , kaya ayan di sila na ha'hassle . Next time nga gagayahin ko silang dalawa .
" Alam mo , humanda sakin yang Joshua mo kapag nakita ko . " sabi ko kay Sunny
" Bakit ? Ano naman ginawa sayo? "
" Eh bakit kasi 30min' before ng alis niya sinabi na kasama pala tayo? Pwede naman kanina , kahapon o di kaya nung isang araw . "
" Biglaan nga kasi di ba? "
" OO , biglaan . Grabeng biglaan nga eh >.< . " inis kong sabi
Nakaka'stress kaya . Mamaya may maka'limutan akong importanteng bagay eh .
" Caroline naman eh , wag ka na mainis . I'll help you na lang . " malambing sa sabi ni Sunny .
" K . Fine . "
Humanda talaga sakin yang si Joshua .
STEPHANIE'S POV
Natatawa ako kay Caroline . Sobrang stress na siya sa pag aayos ng gamit niya . Haha! Kaya ayan , tinulungan na siya ni Sunny .Actually , ayoko naman talagang sumama eh . Kaso ito namang si Sunny eh , pinilit ako . Hindi daw siya sasama , kapag isa samin naiwan .
" Steph , paki-replyan naman si Bryan oh . Kanina niya pa kasi tina'tanong kung ready na tayo . " sabi ni Sunny
" Wala akong number niya . " sagot ko
" Seryoso? " di maka'paniwalang tanong ni Sunny
Mukhang bang di kapani'paniwala? Wala naman talaga ah .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)