CAROLINE'S POV
AHH!
Bahala na . Ito lang ang naisip kong paraan .
[ Hello? ] bati sakin nung nasa kabilang linya ." Hello . Hmm , Jansen . "
[ Oh , Caroline napa-tawag ka ata . ] masiglang sabi niya .
" Ah . Oo eh . May gusto sana kong sabihin sayo tungkol sa dinner natin . "
[ Ano yun? ]
" Hmm .. Kasi .. Ano eh .. Di kasi ako makaka-punta mamaya . " yan nga ang naging decision ko .
[ Bakit naman? ] malungkot yung tono niya .
" May sakit kasi ako ngayon . Hindi maganda yung pakiramdam ko . " pagdadahilan ko .
[ Okay ka lang ba? Hmm , gusto mo puntahan na lang kita diyan? ] halata sa boses niya yung pag-aalala .
" Wag na! I-I mean , okay lang naman ako . Gusto ko lang talagang mag pahinga . "
Patawarin sana ko ni Lord sa pagsisinungalin ko (+____+)
[ Sige . Take a rest na lang . Pag okay ka na , tsaka na lang tayo lumabas . Ayos ba yun? ]
Hayy .. Buti naman .
" Salamat , Jansen ah? At pasensya na din . Ingat ka . Bye . "
Pinatay ko na agad yung call . Ayoko ng marinig pa yung sagot niya masyado akong nagui-guilty sa pagsisinungalin ko .
STEPHANIE'S POV
" Hindi ako nagseselos! Asa ka naman . " inirapan ko yung lalaking nasa harap ko na may makapal na mukha .Ako magseselos? ASA naman siya!
" Kung hindi ka nagseselos , bakit ka ganyan? " umupo siya sa may couch niya . Andito kasi kami sa Condo niya .
" Anong ganyan? " nag crossed-arms ako . Nakaka-inis na eh . Kanina niya pa pinag-pipilitan na nagseselos ako >.<
" Mainit ang ulo mo . Naka-simangot ka at higit sa lahat binato mo ko kanina ng libro nung nakita mo ko kanina na may kausap ako . "
Aba't ang kapal naman talaga ng mukha nitong lalaki na 'to oh! Kung makapag-landian kasi sila nung classmate niya , WAGAS na WAGAS eh .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)