Author's Note :
Isa pong mahabang flashback ang chapter na ito . Ito yung sa Part 2 ng date nila Steph at Bryan . So next is Chapter 22 .
Mag kwe'kwento si Stephanie dito about sa kanilang Tres Marias .
Hope basahin niyo para mas maliwanag .
============================================================
BRYAN'S POV
Andito ako sa condo ko , lying on my bed .
3 days ago na since nung nag birthday si Steph at kahapon naman last day na ng tutoring session namin . Ayoko na nga sana matapos eh .
Sa totoo lang masaya ako , kasi after nung birthday ni Steph nag-iba siya ng treatment sakin . Di na niya ko sinu-sungitan at bina-bara , nag rereply na siya sa mga text messages ko sa kanya at higit sa lahat nung tinanong ko kung pwede ako manligaw sa kanya ang sinagot niya ay ...
' Ikaw bahala . Kung gusto mo . '
Oh di ba? Parang payag na din siya based sa sagot niya . Haha!
Naalala ko na naman yung date namin nung birthday niya , nung pumunta kami sa bahay ampunan . Nakita ko dun ang other side ni Stephanie .
FLASHBACK
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ampunan , agad-agad siyang bumaba sa kotse .
" Paano mo nalaman na lagi akong nandito? " tanong niya .
" Sabi nila Sunny at Caroline . "
Para naman nagulat siya sa sinagot ko .
" Huh? Alam nila ? Paano ? Kailan pa ? " sunod-sunod niyang tanong habang naka-tingin sakin .
" Matagal na . " I smiled at her at tsaka ulit nag salita .
" Nagtataka daw kasi sila na tuwing bago ka mag birthday eh nag-iipon ka maraming pera at sa mismong araw ng birthday mo eh aalis ka at babalik na kapag malalim na ang gabi . "
" Napansin nila yun? " siya
Tumango ako at tinuloy ang pag kwe-kwento .
" Kaya daw , isang araw birthday mo din nun eh , sinundan ka nila . At yun nga nalaman nila na dito ka daw napunta . At yung mga perang naipon mo , bini-bili mo ng pagkain at laruan para sa mga bata . "
Sa totoo lang nung narinig ko yun , mas sobra akong humanga kay Stephanie , kaka-iba siyang babae .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)