BRYAN'S POV
Ding . Dong . Ding . Dong
Sino ba yung tao sa labas at wagas kung maka-doorbell?
Lumakad ako sa pinto ng unit , para pag buksan kung sino man yung tao sa labas .
" Stephanie? "
" Si Joshua? " bungad niya agad
" N..Nasa guest room . Tulog pa . " tinuro ko yung pinto ng guestroom
Tignan mo 'tong babae na 'to . Parang wala lang . Ni hindi man lang ako binati , si Josh agad ang unang hinanap .
" Hey! Wake up . " sigaw ni Steph ng maka'pasok siya sa guestroom .
" Hmmm .. "
" Hmmm ka diyan! Gigising ka ba o gigising? " naka pamewang na tanong ni Stephanie kay Josh .
Tss . Naisip ko lang , pag siya ang magiging asawa ko UNDER ako (=___=)
" STEPH? " nanlaki yung mata ni Joshua
" Yes! Walang iba . " She smirked .
" Oh bakit ka ba andito? Anong kailangan mo , natutulog pa ko oh . " inis na sabi ni Joshua bago pumikit ulit .
Umupo ako sa may couch , panunuorin ko na lang sila . Haha!
STEPHANIE'S POV
Tignan mo 'tong lalaki na 'to , mas pipiliin pa na matulog kesa ayusin yung gulo nila ng girlfriend niya . Hmp!
" Sige . Wag ka ng gumising habang buhay! " angil ko
" Bry , ilabas mo na yung girlfriend mo ang ingay eh . "
Aba't loko 'to ah!
" Soon -to-be pa lang , di pa ko sina-sagot eh . " natatawang sabi ni Bryan
" Hoy! Pwede ba , wag ako ang gawing topic dito! " sigaw ko
" Sige , basta lumabas ka na at tutulog ako . " sabi ni Joshua bago mag takip ng unan sa mukha
Hmm .. Tignan lang natin . Kung maka'tulog ka pa .
" Okay! " sabi ko sa masayang tono .
" Tara na nga Bryan , mag date na lang tayo . Sayang oras eh , may sasabihin pa naman sana ako sa KAIBIGAN mo , tungkol kay SUNNY at GAB , kaso naman mas mukhang gusto niyang matulog . Kaya , tara na! " dagdag ko .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)