STEPHANIE'S POV
Buti na lang walang pasok ngayon . Kahit papaano makakapag-relax ako .Tinta'tamad pa kong gumawa ng homeworks kaya mag i'internet muna ko . Facebook . Tagal ko na di nakakapag-open eh .
55 friend request , 2 message and 18 notifications .
Hindi ko inaccept yung mga di ko kilala . Yung mga nag message naman sakin is mga classmate ko lang , telling me na i-accept ko daw sila . At yung notification ko eh weird .
'Joshua Mendez added you to Three Kings - Group'
'Joshua Mendez mentioned you is his comment'
'Joshua Mendez tagged you in a post'
Ilan lang yan sa mga weirdong notifications ko . Anong problema nitong Joshua na 'to?
Binuksan ko muna yung Three Kings - Group .
O___________O
Anong problema ng Joshua na 'to?
" Bryan Tiu , nag-confes ng harap-harapan kay Stephanie Mendoza na may gusto siya dito . Hahaha! "
Nagulat ako ng mabasa ko yang post ni Joshua sa Group nila . Argh . Naka'tag pa talaga ko . Walang hiya >.< . Papatayin ko 'tong Bryan at Joshua na 'to eh .
Tinignan ko kung ilan yung likes . 15,000 ? SERYOSO ? Duh . Meaning madami na naka-kita?
Tapos yung comment naman ang tinignan ko .
COMMENTS :
Joshua Mendez : HAHAHA! Binata ka na talaga 'tol .
Bryan Tiu : Gago .
Joshua Mendez : Bakit ? Totoo naman ah .
Bryan Tiu : Matagal na kong binata .
Joshua Mendez : Sige . Sabi mo eh . Pero gusto mo talaga si Stephanie ?
Bryan Tiu : Malamang . Oo . Magco'confess ba ko kung hindi . Tss .
Joshua Mendez : Malay mo di ba ? Hahaha . Bagay kayo ni Steph .
Caroline Cruz : Hahaha . Agree ako sayo Joshua . BAGAY sila .
Bryan Tiu : Bagay nga , pero mukhang ayaw sakin :(
Caroline Cruz : Sinabi ba niya na ayaw niya sayo ?
Joshua Mendez : OO nga ! Hindi naman ah .
Bryan Tiu : Hindi nga naniniwala sakin eh . Pinag-tritripan ko daw siya .
Caroline Cruz : Eh ano nga ba ? Seryoso ka ba kay Steph ?
Bryan Tiu : Oo naman ! Sakit nga eh , di siya naniniwala na gusto ko talaga siya .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)