CAROLINE'S POV
Mali ‘tong gina-gawa ko eh . Hindi dapat ako nagmu-mukmok . Nasasayang yung oras ko!
Wala naman kasi akong kausap dito sa bahay dahil parehong wala si Sunny at Steph >.<
Psh . Lilinisin ko na lang ‘tong buong apartment .
Mas mabuti ‘to kesa naman naka-focus lang yung attention ko sa pag-iisip.
At isa pa, TIWALA ang kailangan para mag tagal ang isang relasyon.
Ding . Dong . Ding . Dong .
“ Sandali lang . ” binaba ko yung walis na hawak ko at pumuta sa gate namin . Siguro ayan yung landlady namin.
Binuksan ko yung gate at sumalubong sakin ang isa bisita na hindi ko ina-asahan.
“ Hi . ” yan lang ang nasambit ko.
“ Pwede ba tayong mag-usap? ” alanganing sabi niya.
Tumango ako at sumenyas sa kanya na pumasok sa loob ng bahay.
“ Anong gusto mo? Gutom ka ba? Nauuhaw ka ba? O gus -------------- ”
“ No . Okay lang ako . ” he cut me off
“ Ahhh .. ” tumango-tango ako. “ Hmm , ano nga pala yung gusto mong pag-usapan natin? ” nilakasan ko na yung loob ko. Kapag pina-tagal ko pa , baka mas hindi ko kayanin .
“ About us . ”
‘About us? What about us?’
“ A..Anong meron? ” inosenteng sabi ko . Ayokong ipa-kita sa kanya na alam ko lahat.
“ Sorry . ”
‘Sorry? For what?’
“ Ano ba kasing meron? ” Nagpapaka-tanga ko . Alam ko yan . Pero ito ang gusto ko eh .
“ Sorry for being an asshole sayo ng ilang araw. Alam ko mali ako at sobrang laki ng kasalanan ko sayo .” sabi niya habang naka-tingin sa mata ko.
He’s serious.
“ Sorry , Honey . ” hinila niya ko at niyakap ng mahigpit . “ Ayaw mo na ba? Galit ka ba? ” tanong niya habang naka-yakap pa din sakin. Hindi ko kasi siya niyakap , dahil hindi ko alam ang gagawin.
“ Hayaan mo sana kong bumawi sayo. Please. ”