ANDREW'S POV
5 days . 5 days na kaming isang tanong ; isang sagot kung mag-usap ni Caroline .
Ewan ko ba kung bakit ganun . Nagsimula yun noong pumunta ko sa Apartment nila . Yung araw na naging si Bryan at Stephanie .
" Lalim ng ini-isip ah? " tinapik ako ni Joshua sa balikat ko .
Andito na pala sila , hindi ko man lang napansin . Ininvite ko sila dito sa bahay ko , dahil gusto kong mag unwind . At isa pa matagal na din namin hindi nagagawa na mag hang-out na kaming tatlo lang .
" Upo muna kayo . Kunin ko lang beer sa ref . " tumayo ako sa couch at pumunta sa kusina .
" Mahirap nga yan Bro' . " sabi ni Bryan bago inumin yung beer .
" Tss . Alam ko . Kaya nga ko humi-hingi ng tulong di ba? " ako
Leche naman kasi eh . Bakit ba bigla-bigla ako nag decision noong araw na yun?
" Edi sabihin mo sa kanya . For sure maiintindihan ka naman ni Caroline . White lies naman yun Drew . " Joshua .
" Tss . Buti sana kung ganun kadali eh . "
" Madali lang yun . Ang mahirap lang naman eh , tanggapin kung anong magiging reaction niya kapag nalaman niya na niloko mo siya . " sabi ni Bryan .
Ang totoo yun na ang kinaka-takot eh .. yung magiging reaction niya .
" Alam mo Bro , mabait si Caroline . Maiintindihan ka nun , basta mag explain ka lang ng matino at maayos . " pag e-encourage ni Bryan .
Sana nga maintindihin niya .
" Teka nga . Bakit naman ata bigla mo na lang naisip na umamin kay Caroline na ikaw ang may ari ng Bar? Anong meron? " tanong ni Joshua .
Tss . Ito ang ini-iwasan kong tanong (=____=)
" Wala naman . Ayoko lang na , na magsinungalin pa . "
" Lame! Try another one . " sabi ni Joshua .
Tss . Ito na nga ba ang sina-sabi ko eh . Kung si Bry' lang ang kausap ko ngayon , for sure benta na yung palusot ko . Pero dahil andito si Josh' mukhang mapapa-amin ako .
" Yun talaga ang reason . " ininom ko ulit yung beer ko . Pang 3rd can ko na 'to .
" Do you think I will buy it? " he smirked .
See? Sabi ko na .
" Fine . I like her! "
Nanlaki naman yung mata ni Bryan at si Josh naman ngumiti lang .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)